(Louise's POV)
Naalimpungatan ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Napatingin ako sa orasan na nasa dingding, 5 am. Kinuha ko ang aking cellphone at tinignan kung sino ang tumatawag ng ganito ka-aga. It’s unknown number. Sinagot ko ang tawag baka importante.
“Hel—.”
“Be at the office as early as you can. Don’t be late.” bigla niyang binaba ang tawag.
Napatingin naman ako sa akibng cellphone.. Who the hell is that? May sayad ba yun? Anong office? Sa pagkaka-alam ko ay wala pa akong trabaho.
I check my phone again to check the number. But I have unread message, I open it.
‘Good day Ms. Sandoval, this is De la Vega Enterprise HR department. I would like to inform you that you passed the interview. Please proceed to the CEO office tomorrow to discuss the terms and conditions at 8:00 am. Thank you.’
Namilog ang aking mga mata habang paulit-ulit kong binasa ang mensahe sa inbox. Nang mag sink-in sa akin na pumasa ako sa interview ay muntik na akong mapasigaw sa tuwa.
I buried my face in my pillow and rolled all over my bed. Grabe!!!!! Kinikilig ako!!!! MAY TRABAHO NA AKO!!!!
Teka! Kailangan ko maging maaga sa first day ko. Bumangon ako para maghanda na, kailangan ko pang maghanda ng agahan para sa aking kapatid at ina.
Yung Papa namin, iniwan kami. Ayaw sabihin ni mama kung bakit basta ang sabi niya iniwan nalang kami bigla at hindi na nagpakita muli. May naiwang utang si papa kaya laging may pumupunta dito sa bahay para maningil, kung wala kaming pambayad kinukuha nila ang aming mga gamit. Isang sofa at mesa nalang ang naiwan. Nag-iwan si Papa ng problema sa amin. Kaya ayaw na ayaw ko na siyang makita kung bumalik man siya. Iniwan niya ang obligasyon niya sa amin.
Upang mabayaran namin ng paunti-unti ang mga utang ay nag papart-time ako bilang waitress sa isang coffee shop kung saan hindi fix ang sweldo at schedule ng trabaho ko. Kaya kailangan ko ng regular talaga na trabaho. Ako lang ang inaasahan ng aking pamilya.
Nagprepare na ako para makapagluto na, bago pa ako maiyak sa pagkukwento ko XD.
Naligo na ako at nagbihis muna ng pambahay. Nagluto na ako ng agahan namin bago pa magising ang aking nakababatang kapatid at ang aking ina.
Teka... Naalala ko. Yung prank call kanina? Totoo yun? Wait! Sino yun? Ganun ba ang HR nila, bababaan ka ng tawag?
But, his voice is somewhat familiar. I don't know where I've heard before but his deep voice makes my heart ache. Hindi ko alam kung bakit.
I just shrugged and prepares the food in the table. Maya-maya ay lumabas na ang aking kapatid.
"Good morning, Mia." bati ko sa kapatid ko.
"Good morning, ate." Bati ng aking kapatid habang pinupunasan niya ang kanyang mukha.
"Si nanay?"
"Tulog pa, ate."
"Gisingin mo sya maya-maya ha, para kumain." Tumango si Mia at dumeretso na ako sa kwarto ko para makapag bihis na ng format attire.
"Mia, aalis muna ako. Baka hapon na ako makaka uwi. May ulam at kanin akong itinabi dyan para pang tanghalian niyo. Huwag kayong magpalipas ng gutom." Nag thumbs up lang ang kapatid ko habang umiinom ng tubig.
Lumabas na ako ng bahay at naghanap ng traysikel.
Nang makarating ako sa harap ng De la Vega Enterprise ay kinakalma ko ang aking sarili sapagkat ako ay kinakabahan ng lubos.
Tinignan ko muna ang sarili ko sa glass door. At nagpasyang pumasok na sa loob. Dumeretso ako sa receptionist para magtanong kung nasaan ang opisina ng CEO.
"Nasa 48th floor po, ma'am." Namilog naman ang aking mga mata nang marinig na nasa 48th floor ang opisina ng CEO. Sa pagkaka-alam ko ay 49th floor na ang roof top.
Tumango habang ngumingiti na lang ako at nagpasalamat sa receptionist. Phew. Sana naman hindi under maintenance ang elevator ngayon.
I check the elevator and thank God! Hindi under maintenance. Sumakay na ako at pinindot ang 48th floor.
Napatingin ako sa orasan ko sa kamay at 7:00 am pa lamang. Napagtanto kong maaga pa la ako. Nananabik kasi ako kung anong position ang ibinigay sa akin. Hindi mawala ang aking ngiti habang hinihintay ko ang 48th floor.
Nang bumukas na ang elevator ay agad akong lumabas. Nasa isang malaking opisina ako. Wala ako makitang empleyado para mapagtanungan ko.
"Ahmm... Hello?" Lumingon lingon ako. Wala talagang tao.
Una mong makita pagkalabas mo ng elevator ay isang sala set. May mahabang sofa at dalawang sofa sa gilid. May malaking tv naman sa harap. May mga aklat na nakahilera sa isang dingding. Isang malaking chandelier na nagbibigay ng liwanag sa buong opisina. Para siyang condo, malaki at maraming space. Sa kaliwa ko ay parang isang conference room. Malaki at malawak ang loob nito na may mahabang mesa. Sa kanan ko naman ay isa opisina na may nakalagay na CEO.
Kitang kita ko dito sa kinatatayuan ko na maraming papeles na nakakalat sa loob ng opisina ng CEO. Wala ba syang secretary?
Nakatayo lang ako dito sa harap ng elevator. Naghihintay na may taong makakita sa akin.
Biglang tumunog ang elevator sa likod ko kaya napaharap ako. Bigla akong nabangga sa isang matigas na parang pader. Pag tingin ko sa harap, naka suit. Inangat ko ang aking tingin...
Napakagwapo.
Naalala ko, isa siya sa nag interview sa akin na may mga malulungkot na mata.
He's staring at me. His dazzling brown eyes, it's perfect for him. It suit's his face. He looks gorgeous. He looks away kaya naman doon ako nagising at dumistansya palayo sa kanya.
"Sorry po." Habang nakayuko sa harap niya. Nakakahiya.
"You may sit." Nag-angat ako ng tingin then he pointed at the sofa. His voice familiar.
Teka! Siya yung tumawag kaninang umaga!
Nauna na siyang umupo sa sofa, sumunod ako sa kanya at umupo na rin.
"First of all. Congratulations for passing the interview." Ngumiwi naman ako kasi, hindi naman yun matatawag na interview kasi isang tanong lang ang ibinigay nila sa akin.
"Thank you so much po for hiring me." I just give him a smile at umupo ng maayos kasi siya pala ang CEO.
"Who say's your hired?" Kunot noo niyang tanong sa akin.
"Po?" Ang sabi e didiscuss na ang terms and condition, akala ko pasok na ako.
"I have a condition." May inilagay siyang papeles sa mesa at pinaharap niya sa akin. 'Marriage Contract' ang nakasulat sa ibabaw nito.
"Marry me and your hired." Napasinghap ako sa sinabi niya.
Seryoso ba siya?
(Harris's POV)
When the elevator opens. I smelled a familiar scent. Inangat ko ang tingin ko to see her back standing like a tree in front of the elevator.
Paparaanin niya ba ako o ano?
She turns her back at me and her face bumps in my chest. Her vanilla scent, it's so sweet.
Nag angat siya ng tingin to see me staring at her. Her argentine eyes, it's so beautiful. She's simple, not wearing a make up but she's captivating.
I look away. Her sultry lips is so damn hot. Naramdaman kong lumayo na siya sa akin kaya inalok ko na siyang umupo sa sofa.
"First of all. Congratulations for passing the interview." Nah... That's not even an interview.
"Thank you so much po for hiring me." She smiled.
"Who say's your hired?"
"Po?" Her reaction says everything. She's expecting.
"I have a condition." I put the marriage contract in the table para mabasa niya.
"Marry me and your hired." Natigilan siya at alam kong nagulat siya.
After seconds, she laugh.
Is that funny?
"Mapagbiro po pala kayo, sir." I just raised my eyebrow and lean closer to her habang nakapatong ang siko ko sa aking hita.
"I'm not joking." Sumandal ako sa sofa with a poker face. I hope she will accept the offer.
"Po? Ahmm..." Her palm is sweating, she keeps rubbing her hands in her skirt.
Alam kong nagulat ko siya it shows from her reaction. But I'm really desperate. She is the only one I can give my trust.
"Ok, let me explain this you." Umayos ako ng upo. "My brother needs a blood, and you have the same blood type. Only relatives can donate blood to him. I need you to marry me, so you can be part of my family and you will became eligible to donate blood for my brother. In return, I will hire you as my secretary." She just stare at me while her mouth is half open. "2 years. Just give me 2 years. Let's be a family for 2 years. And after that, let's have a divorce but you can still work here at the company anytime you want."
She's still quiet. I am just waiting for her response but hindi na siya mapakali.
Alam kong nagulat ko siya at hindi basta-basta itong hinihingi kong pabor. I'm desperate enough to think about marriage but my brother needs her.
"Ahmm... I'm sorry... Ahm." Bigla siyang tumayo. "I'm sorry, sir. I-I have to go. T-Thank you for your time." She got up and rush towards the elevator.
Bumuntonghininga ako habang napasandal sa sofa. She get inside pero hindi siya humarap sa direksyon ko.
I just watch her back until the door slowly close. Naihilamos ko ang aking dalawang palad sa aking mukha. I know she's shocked by this kind of favor but I will give her some time to think.
I did a background check of her. She is desperate to look for a regular job because of her father's debt. She need this.
I need her blood as soon as possible. Nauubusan na ng stock ang hospital kung saan ginagamot ang kapatid ko. So I need Louise as much as I needed my brother to live longer.
I will wait...
I will wait for her.
(Louise's POV)
Naguguluhan ako sa mga sinabi niya. Anong marriage? Anong 2 years?
Ok sa akin ang makatulong sa pamamagitan ng pagdo-donate ng aking dugo pero... Ibang usapan na iyong pekeng pagpapakasal. Hindi ko kayang manloko. Kahit na kailangan ko ang trabaho, hindi ko kayang magpakasal sa hindi ko lubos na kakilala.
Bumaba na ako ng traysikel at naglakad patungo sa aming bahay.
"MAGBAYAD NA KASI KAYO!" Nagulat ako ng may nagsisigawan. Tinignan ko kung sino dahil malapit siya sa aming bahay.
Agad akong kinabahan nang makita ang aking ina at kapatid na umiiyak, kaharap ang nagmamay-ari ng bahay na inuupahan namin.
Agad akong napatakbo sa kanila.
"Anong pong problema dito, Mrs. Gomez?"
"Problema? Ang problema yung ilang buwan niyo nang hindi pagbayad ng upa sa bahay!! Hanggang kailan ba ako maghihintay kung lagi kayong nagmamakaawa na sa susunod na buwan niyo na mababayaran!! Ilang buwan na ang lumipas hanggang ngayon ay wala parin!" Napayuko naman ako. Apat na buwan kaming hindi nakakabayad ng upa sa bahay.
"Pasensya na po talaga Mrs. Gomez, pero walang-wala kasi kami ngayon eh. Ipinapangako ko po na sa susunod na bu--"
"Hayan na naman yang linya na yan eh!!! Lagi nalang kayong hindi makakabayad!! Lahat tayo may problema sa pera! Kaya nga ako naniningil dahil walang wala na rin kami!" Makikita mo sa mukha niya ang galit at pagka-inis.
"Pero, Mrs. Gomez--"
"Bukas na bukas umalis na kayo sa bahay na yan!" Ano?
"P-po? Wala pa kaming malilipatan Mrs. Gomez. Bigyan niyo naman kami ng panahon na makahanap ng malilipatan."
"Wala akong pakialam kung saang kangkongan kayo lilipat. Basta bukas na bukas din ay magsilayas kayo sa bahay ko!!" Agad siyang tumalikod para umalis na.
"T-teka lang po." Hinabol ko siya at agad na lumuhod sa harap niya habang umiiyak na hinahawakan ang kanyang kamay. "Nagmamakaawa po kami sa inyo Mrs. Gomez. Kahit isa o dalawang araw lang po. Hayaan niyo po muna kaming makahanap ng--" iwinaksi niya ang kamay kong nakahawak sa kamay niya at agad na naglakad palayo sa amin.
"M-Mrs. G-Gomez..." Humaguhol ako habang nakaluhod at nakatingin sa kanyang likod na unti-unting lumalayo sa amin.
A-anong gagawin ko?? Agad na lumapit si Inay at Mia sa akin habang pilit na pinapatayo.
Wala akong nagawa. Anong gagawin namin? Saan kami lilipat? Niyapos ako ni Inay at Mia habang walang humpay ang pag-iyak.
"Kawawa naman."
"Asan na ba kasi yung irresponsableng ama nila?"
"Ayun may ibang kinakasama daw."
Agad akong napalingon sa paligid. Ang daming nanunuod na akala mo ay may taping. Iginiya ko na sa loob si Inay at Mia. Dumadami na yung nakiusyoso.
"Mia, pagpahingain mo muna si Inay sa loob. Samahan mo." Akmang magsasalita sana si Inay pero inunahan ko na siya.
"Maghahanap ako. May mahahanap ako. Ako na pong bahala inay." Maluha-luhang sabi ko sa kanya upang hindi na siya mag-alala.
Wala nagawa si inay kundi ang pumasok sa loob ng kwarto niya kasama si Mia.
Pumasok ako sa kwarto ko at nagtalukbong ng kumot habang tahimik na umiiyak.
Bakit ba naging ganito ang buhay namin? Simula ng iwan kami ni ama ay hindi na natahimik ang buhay namin.
Anong gagawin ko? Kahit na maghanap ako ng malilipatan ay wala naman kaming pampaunang bayad.
Hindi din ako regular sa coffee shop na pinaparr time ko kaya alam kong hindi ako makaka-utang doon. At isa pa, wala ang may-ari ng shop, nasa Amerika. Sa susunod na buwan pa ang uwi, hindi ko alam kong paano siya makokontak.
Gulong-gulo na ang isip ko. Hindi ko alam kung saan ako tatakbo.
Biglang nag vibrate ang aking cellphone. May nag tetx. Agad kong binuksan ang mensahe.
.
'I'll wait...'
Ito yung number na tumawag sa akin kaninang umaga, CEO ng Dela Vega Enterprise.
Napaisip ako.
Susugal ba ako?
Magpapakasal ba ako sa taong hindi ko pa lubos na kilala?
Kahit na peke lang...
.
.
.
Kaya ko bang ibigay ang sarili ko sa kanya?