“What is your passcode, tol?” tanong ko kay Oliver na pumasok ngayon sa trabaho, kahit na holiday. “Birthday ko,” sagot ng aking kaibigan, kaya't pinatay ko na ang tawag matapos ko makuha ang sagot. Nag apir kami ni Lorna, habang binubuksan ang condo unit ni Oliver. Napakaganda ng kabuohan, sa palagay ko ay mamahalin ito. Napangiti ako habang nililibot ng aking mga mata ang paligid. Masaya ako kung anong meron at kung ano ang tinatamasa ni Oliver, pero hindi ko maiwasan na hindi mag-alala para sa aking matalik na kaibigan. “Sa palagay mo, may bakla ba si Oliver o may mamasang?” tanong ni Lorna na ikinatawa ko ng malakas. “I don't think so. I trust Oliver. I know he wouldn't do anything to hurt us,” sagot ko kay Lorna. Inayos namin ang mga pagkain na inorder namin sa labas. May da

