Tatlong araw na naging tatlong buwan na si Wisley na hindi umuwi sa bahay namin. Tanging si Oceano lang ang kasama ko. Hindi ko maiwasan na hindi sisihin ang asawa ko sa mga nangyayari. Dahil sana noon pa man, tinapos na niya kung anong meron sila, kahit makita niya ang ex niya, respeto sana, na iwasan niya ito. Pero di ko maiwasan na hindi masaktan, dahil nandoon pa rin ang kinang ng mga mata ng asawa ko, habang nakatitig kay Lyra noon. Hindi ko alam kung ang sakit ng pagkawala ng anak ko ay may kasama na rin na selos. Nagsama-sama na ang mga sama ng loob ko. “Uuwi na daw si kambal,” mahina na bulong sa akin ni Oceano. Napalingon ako dito at parang naluluha ako na hinarap ang lalaki. “Gusto ko lumipat ng bahay. Gusto ko umuwi sa amin. Ang dami ko gustong gawin, para makalimot,” naka

