Habang sinusukatan si Oliver ng babaeng assistant ni Mimi, nakakaramdam ako ng inis dito. Parang sinasadya ng babae na tagalan ang pagsusukat ng pants. Ang tape measure ay paulit-ulit sa haba ng waistline. “If you are unable to perform the necessary measurements on a client with a big buddy, it is recommended that you refer them to another professional. Abala ka lang sa oras, alam mo ba? Or baka naman nag-eenjoy ka na, ang laki nga naman ng tanawin sa harapan mo?” pagmamaldita ko sa babae. “W—Wait, ako na lang. I'm sorry Miss, mukhang na culture shocked ang assistant ko. Masyadong blessed naman kasi ang escort mo,” pagbibiro ng baklang designer sa kanyang tauhan at sa akin, para hindi mapahiya. Ito rin ang ayaw ko sa ugali ko, lumalabas ang pagka-brat ko pag naiinis ako. Hindi ko mapig

