“Good morning? Anong oras na ba?” tanong ni Tito Matthew sa akin, ang ama ni Lorna. “Anong sadya sa akin ng nag-iisang anak ni Olivia?” seryosong tanong nito sa akin, habang ginagaya ako papasok sa kanyang opisina. Sinadya ko kasi na alas diyes ng umaga pumunta sa bahay nito, oras na wala si Lorna at nasa paaralan. “Hindi na po ako mag paligoy-ligoy pa. Ayaw ko rin naman na masayang ang oras mo. Gusto ko sana humingi ng pabor. Kung pagbibigyan mo,” sabi ko dito na tahimik na ngumisi, sabay biglang seryoso ako na tinitigan sa mukha. “Ipagpatuloy mo,” sabi nito. “Ano po ang pwede kong gawin, para lang matulungan mo si Tito Sancho sa problema niya sa kumpanya?” titig na titig ang mukha ko sa matandang lalaki, para lang alam ko kung may pag-asa ba na pagbigyan ako nito. At sa nakikita

