CHAPTER: 8

1200 Words
Nakauwi na ako sa bahay, after ko pumunta kila Oliver, natulog lang ako doon at nagpahatid na ako dito. Sakto naman na dinatnan namin si Mommy. “Oliver,” ang nakangisi na pagbati ng aking ina sa aking kaibigan. Nagbigay galang naman si Oliver na nag mano sa aking ina. Na tinanguan nito. Magsasalita pa sana si Mommy ng mapatingala kami sa hagdan, pababa na pala si Daddy. “At ano ang ginagawa ng anak ni Olivia dito?” tanong nito sa aking kasama. “Hinatid lang n’ya ako, Daddy. Uuwi na rin si Oliver,” sabi ko sa aking ama na nakatingin sa braso ko na nakapulupot sa braso ni Oliver. “Bakit hindi mo muna ayain mag kape? Masyado pang maaga at araw naman ngayon ng linggo, hindi magbubukas ang carinderia ninyo, tama ba ako?” si Daddy na nakaharap kay Oliver habang nakatitig pa rin sa braso ko. Kaya't mas niyakap ko pa si Oliver. “Alam na alam ah? Halata ka naman masyado na patay na patay kay Olivia hanggang ngayon,” sabi ni Mommy sa aking ama na tinitigan lang ito ng matalim. “Bakit hindi? Olivia is the most beautiful woman way back then. Hanggang ngayon naman ‘e. Masipag, matalino at hindi umaasa sa asawa,” sarkastiko na sabi ng aking ama, sa aking ina. Habang kaharap kami ni Oliver. “Hahahah! That's why until now, wala siyang asawa?” si Mommy, na ang ngiti ay nakaka-insulto. “Bakit pa? Kaya naman niya buhayin ang sarili niya,” si Daddy na naman. “Baka anak mo itong si Oliver? Magsabi ka na ng totoo, para hindi na kami magulat, kung sakali,” si Mommy na tumayo na. “E ano naman sayo?” pang-aasar naman ni Daddy kay Mommy. “Bwesit ka! Bwesit ka talaga!” sabi ni Mommy sabay hampas ng kamay kay Daddy sa iba't-ibang bahagi ng katawan at umalis na nga sa aming umpukan. “She started the joke, then she got offended. Ang labo talaga ng mga babae, tama ba ako Oliver?” tanong naman ni Daddy sa kasama ko na nangingiti lang. “Madalas po,” sagot naman ng kasama ko na sinimangutan ko ng mukha. “Kaya gusto kita, kumpara kay William ‘e! Nakukuha mo ang humor sa sinasabi ko. Hahahaha! Sa palagay ko, bagay ka na escort sa debut ng aking unica hija. Ano sa palagay mo, Lorna?” hindi ako agad nakasagot. Pero naisip ko, mas okay na rin siguro ‘to, ang pangit naman tingnan kung si Kuya William. “Okay lang, wala pa rin naman akong naiisip na partner ko,” sagot ko naman sa aking ama na tumango-tango. “Wag ka na muna kaya umuwi, Oliver? Mamaya darating ang fashion designer, dito ka na lang muna at magpasukat na rin.” “Sigurado po kayo? Mas maganda siguro kung si William na lang, wala naman akong alam sa pakikipag sosyalan. Baka mapahiya ko pa kayo,” halata na medyo nahihiya si Oliver sa aking ama. “The way you act and talk, I don't think you'll embarrass us at all! You might even be a total help, especially with the women.” pareho kami napangiti ni Oliver, dahil walang magagawa, kilala talaga itong babaero dito. “Sige po, kung yan ang mas makakabuti para kay Lorna,” magalang na sabi nito, sabay alis naman ni Daddy at tinapik ang balikat ng aking kaibigan at humalik sa aking noo. “Kumain na kayo, aalis na ako. May mga ilang bagay ako na aasikasuhin. Nasa silid mo na ang mga pasalubong ko sayo, Lorna.” muking humalik ni Daddy sa akin at umalis na. Pakiramdam ko, mag-isa na naman ako. Dahil si Mommy naman pababa na rin ng hagdan, mukhang aalis na naman para pumunta sa mga amiga niya. “Bye anak, magpapakasaya lang ang mommy mo,” sabi nito sabay halik sa akin. Kinindatan naman si Oliver na ngumiti lang. “Ayos ka lang?” tanong ni Oliver sa akin. “Mukha ba? Hahaha! Ganito ang buhay ko, mas maganda pa nga buhay mo ‘e, kahit wala kang ama, ang dami naman ng oras sayo ni Tita Olivia. Samantalang ang magulang ko, sa papel na lang sila mag-asawa. Di ba nga, kalat na may boylet si Mommy na bata pa, nasa twenty's lang at sumba dance instructor daw. Tapos si Daddy, na isyu sa Mommy mo,” sabi ko kay Oliver na umiiling lang. “Paano pala kung magkapatid tayo?” tanong ni Oliver na para bang nagpahinto ng mundo ko. Hindi ako kaagad nakagalaw o nakasagot. Hindi katulad dati, may rebat ako kaagad dito na naiisip. “Hindi nakakatuwa Oliver. Ano na lang? Lahat ng gusto ko, kadugo ko? Baka sa hospital na ako ng baliw nito susunod magpakonsulta,” sagot ko naman sa lalaki na tumawa lang at inakbayan ako. “Ano ang breakfast ng mayayaman?” tanong nito sa akin sabay lakad namin papuntang kusina. “Gutom na rin ako,” sagot ko naman dito. Napa-igtad na naman ako ng pisilin nitong muli ang pang-upo ko. Nakasanayan na nitong gawin, kaya't hindi na ako masyadong nagugulat. “Ang tambok talaga, pero mas matambok ang pagong mo. Parang ang sarap panggigilan at pisil-pisilin,” bulong nito sa akin sabay halik sa aking pisngi. Sa iba siguro, masasabi na OA. Pero para sa akin, sa simpleng mga galaw ni Oliver, naghahatid ito ng libo-libong kiliti sa aking katawan. Ang swabe kasi ng kilos ng lalaking ‘to, maging ang mga sinasabi. No wonder gusto ito ni Daddy. Bukod pa sa balita na kabit nga ng aking ama ang ina nito. “Anong oras ba darating ang magsusukat sa atin?” tanong ni Oliver habang ipinagsasandok ko ng pagkain. “Baka mamaya, before lunch pa,” sagot ko dito. “Ang tagal pa pala, tulog muna tayo sa silid mo,” sabi nito na inismiran ko lang. “Kumain ka na lang. Masarap magluto ng pasta si Manang,” sabi ko dito. “Ano ba tawag dito? Carbonara?” tanong ni Oliver. “Spaghetti in white sauce,” nangingiti na sagot ko naman. Dahil medyo confusing nga talaga. “Parang wala naman pagkakaiba sa lasa,” sabi nito matapos sumubo. “Ang white pasta may gatas, ang carbonara na traditional wala. Magkaiba din sila ng way of cooking. Ay basta! Kumain ka na lang” simpleng sagot ko ko dito na taas balikat lang ang naging tugon nito. “Ano pagkakaiba ng sausage at hotdog?” tanong na naman nito. “Ewan ko, siguro may malapot ang mixture ng hotdogs at mas pino? Teka! Anong alam ko dyan?!” sagot ko dito na tumatawa na naramdaman ko na hinawakan ang kamay ko, mula sa ilalim. “Ano pagkakaiba nito kay William?” bulong nito sa akin, sabay ipinatong ang kamay ko sa kanyang bukol sa baba. “Ito nakita ko na, kay Kuya William hindi pa. Pero yun nahawakan ko na, ito hindi pa,” bulong ko naman dito na tumawa lang ng malakas. "Tapos na ako," sabi nito matapos namin kumain. Sa totoo lang, mas gusto ko ang pagkain sa carinderia nila, kumapara dito na paulit-ulit na lang ang luto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD