"Alam mo bang dahil sa'yo ay nagkaroon ng problema. Pinuntahan ka niya sa Palawan para sa mababaw na dahilan. Tumakas siya ng isang araw sa convention niya para sunduin ka. Kapalit noon ay nawalan kami ng isa sa matatag na investor. Na-delay ang ilan sa transaction namin at pumangit ang record niya kumpara sa nagdaang buwan. Hindi pa siya ang effective Chief Executive Officer dahil bata pa siya. Para makuha ang boto ng mga Board Director... dapat gawin niya ng maayos ang trabaho... no destruction. You know him for sure, Miss Imperial. If you are smart enough, you should knew the solution with all of this."
Tulala ako sa aking hawak na pagkain.
Habang pababa at paakyat ay iniisip ko ang mga sinabi ni Michel at sa mga nagdaang araw na biglaang pagsulpot ni Frank. Hindi ako bulag sa effort na nilaan niya sa akin. Kaya hindi ako nagpapigil sa nararamdaman ko. Mahal ko si Frank noon pa man. Nagmula sa paghanga hanggang sa lumalim.
Pero hindi ko naisip na ang pagkakaroon ng relasyon ko sa kanya ay magiging sanhi ng pagkabagsak niya. Hindi malusog ang relasyon kapag ganoon. Hindi ako papayag. Ayaw kong mawala ang pinaghirapan niya. Para ito sa pamilya niya.
Tama si Michel.
Huminga ako nang malalim bago tinulak ang pinto. Naabutan ko si Frank na nasa isang seryosong pag-uusap mula sa telepono. Hawak ng kabilang kamay ang isang dokumento.
This is exactly his world, right? He may young physically, but he is ready on every battle if he wants to. Here in his office is his battlefield. And he is the strong leader who's managing this whole platoon. He is wise and genius. I believe in his skills. Hindi siya pumapasok sa klase noon, pero hindi mababa ang resulta ng mga exam niya. Ang galing pa niya mag-program. Bulakbol lang talaga, pero may itinatagong talent. Pero hindi niya kakayanin ang humarap sa laban kung may inaalala siya sa likuran.
Nang lingunin niya ako'y gumaan ang tension sa kanyang expression, may sinabi sa kausap ilang saglit ay ibinaba na. Mabilis na lumapit sa akin.
"What took you so long?"
I smiled and showed him the Filipino food I bought for us. "Kain na tayo? Tapos ka na ba?"
Hinawakan niya ako sa siko upang paupuin sa sofa. Magkatabi kaming kumain.
"I can dwell with that. Don't worry."
Tumango ako. Nananatiling positibo at nakangiti. "Nagulat akong may Filipino food sa baba."
"Hmm... thirty percent of workers here are Filipino, Julienne." He took a spoonful of Kare-Kare before he moaned something. It gave me a hint that I should cook Filipino dishes. It's just a matter of seven days then I will go back to the Philippines. When that day happened, I can tell him my decision. What I promise with Michel. For now, I'll not think about that.
The second and third day went swiftly. I wake up early to prepare his breakfast. Sinasabayan ko siyang kumain. Iyon na rin ang nagsilbing coffee bonding namin dalawa. Sa tanghali ay pinupuntahan ko siya para dalhin ang kanyang tanghalian. Sa hapon ay mag-workout ako sa kanyang Home Gym. Kasabay din noon ang pag-double check sa Casa De Bay sa pamamagitan ng tawag. I even made some random calls with my friends, including Lapeetah and Susan.
"Kamusta, Baks? Ikaw lang mag-isa?"
"Oo, pumasok si Frank." Ipinakita ko sa kanya ang hinahanda kong pagkain.
"Ang taray! Kayo na siguro niyan, ano? Baks, ha! Hindi ka na nagkukuwento. Nasa iisang bahay ba kayo? Teka! Nagtabi na kayo? Oh mygosh! Magkuwento ka naman!"
I bitterly shook my head. I may be a virgin but I am not innocent with things an adult does with their relationship to get stronger. Sharing affection is normal. Kissing. Cuddling. Sharing bed. I don't think of having s*x with him right now, but sometimes when we kiss I was on the verge of wanting more from him. I could felt him feel the same but he always resisted. He is strongly resisting that call.
"Sira! Magkaiba kami ng kuwarto."
"What? Hindi nga? Naku, ha. Ang bagal niya."
Napangiwi ako sa sinabi ni Jasmin. Kailangan ba talaga noon para patunayang mahal ka ng isang tao? Paano niya maikukumpara ang ibang lalaki na binubuntis lang ang babae tapos iiwan na? Dati nahuli ko na si Frank makipag-make out kay Bridgette. Ibig sabihin ba mahal nila ang isat-isa? Pero bakit sa huli ay naghiwalay pa rin sila.
Thursday morning, Frank promise to be home early. Ilang araw na siyang ginagabi kaya ng sabihin niya iyon ay na-excite ako. Umuuwi siyang tulog na ako, kahit pa pilit kong tinatiyaga na hintayin siya. Pero ganoon yata talaga ang trabaho niya. Kahit siya ang may-ari, responsibilidad niya ang buong kompanya. Kahit mag-demand siyang uuwi ng maaga ay hindi puwede. Lalo at nagsisimula palang siya. Wala naman akong karapatang kuwestiyunin iyon. Hindi niya ako asawa. Girlfriend lang ako.
Naisip ko agad na maghanda ng especial para sa hapunan namin. I called Lapeetah to accompany me.
"Red wine is perfect for steak, Sweet Chic."
Tinitigan ko ang hawak niya. Mapanuksong ngumiti. "Uh huh! Put that here, Peet."
"By the way, I saw Red yesterday in Brazil. We had the same location of the photoshoot. And he said he is planning to visit you by next month alone."
Huminto ako sa pagbabasa ng content ng red wine na kinuha niya. "That's fine. He is my friend."
"I thought Frank told you not to go with any men. He is a jealous boyfriend."
Nagkibit balikat ako. "I'm going to be single next month. That's fine, though."
"Wait, what? Are you serious?"
Kumuha ako ng isang botelya na alam kong mataas ang alcohol content. Inilagay ko iyon sa cart na tulak ko bago tumingin sa aking magandang kaibigan. "I'm going to free him from load and stress. I want him to reach his goal. Success in the position. And for him to do that, there shouldn't be barriers."
"But you said he made a lot of effort to get you. Sweet, he won't push this all through if he didn't think of it. Don't decide on your own. You'll just be going hurt yourself. I know you. You loved him don't you?"
Ilang beses kong pinag-isipan ang pinayo ni Lapeetah. Tama siya. Dapat kong pag-isipan na mabuti ito. Ang relasyon ay hindi pinamumunuan ng isang tao. Dapat balanse. Mag-uusap kami mamaya.
Tanghali nang dalhin ko ang pagkain ni Frank, wala siya sa opisina niya.
"Matatagalan siya sa board meeting. Iwan mo nalang ang pagkain. Ako na ang magbibigay sa kanya," sabi ni Michel.
"Salamat, Ma'am. Uh, puwedeng pakisabi na rin na hihintayin ko siya mamaya."
She fixed her eyeglasses and gave me a rough scan of my outfit. "Alright. Anyway, you had a schedule for tomorrow. A commercial for Elegance with Lapeetah Meyerk. Don't be late."
"Sige po, Ma'am."
Bago tuluyang lumabas ng gusali ay naghintay ako ng message ni Frank. Wala. Hindi niya ako sinabihan na may meeting pala siya ngayon o kung matatagalan. Hindi ko iyon dinibdib. Iniisip ko kasing baka biglaan. Malungkot at bagsak ang aking mga balikat nang lumabas ako sa main door.
"Julienne?"
"Red?"
Kunot noo itong lumapit. "It was really you? What are you doing here?"
I swallowed the bile on my throat and smiled. "I had an urgent photo shoot with Elegance so—" I was cut when he ran to hug me.
"I thought you are just a part of my imagination. Since when you got here? Are you busy?"
He brought me to a coffee shop. We stayed there for an hour or more before he sent me home, even if I resisted. Red managed to entertain me. It enhanced my positivity. Nag-work out ako habang may nakakaganadong musika. Umiglip sa bathtub at nag-meditation. Video call kay Gatus habang nagluluto.
"Naku, namiss tuloy namin ang luto mo. Steak ba 'yan?"
"Oo, Gary!"
"Hoy, babae. Maka-Gary ka sa akin."
Tumawa ako at pinakita sa kanila ni Jasmin at Glen ang Red wine na binili ko. Maging ang mesang pinagtuunan ko talaga ng panahon at oras. Magmula sa kandila at isang petal ng pulang rosas.
"Ano? Maganda ba?"
"Baks, panalo. Mukhang may putukan na magaganap— aray! Ano ba Glen!"
Tumawa ako nang buhatin ni Glen ang asawa nito. Pilit na tinatawag ni Jasmin si Gatus dahil hindi pa raw siya tapos. May sasabihan pa, pero si Gary Tuazon Sopre ay sapo na ag tiyan kakatawa. Kahit hindi ko nakikita kung anong ginawa ni Glen ay hindi ko mapigilang magaya sa masarap na tawanan nila.
May narinig akong bumagsak. Sumunod ay malulutong na mura ni Jasmin.
"Ciao na, girl. Balitaan mo kami ha. Magsuot ka ng thong, 'yung red para maging beast mode si Junjun."
Napanganga ako nang humabol ang boses ni Jasmin bago namatay ang tawag. Huwag na raw ako mag-bra para habang kumakain ay mag-init agad si Frank.
Totoo kayang effective ang mga pinagsasabi ng mga 'yon?
Alas singko palang ay nakabihis na ako. Hindi ako makatayo sa kinauupuan ko dahil hindi talaga ako nag-bra. Bakat na bakat sa manipis kong suot na dress ang n*****s ko.
Tinubuan ako ng hiya kaya nagsuot pa rin ako. Kaso parang hindi bagay sa damit ko ang may bra. Sa huli ay hindi na nga ako nagsuot. Nag-ayos ako ng buhok. Nagkulot ng kaunti para mas mukha akong matured. Naglagay ako ng make-up pero light lang. Gusto ko pa ring mas makita ni Frank ang pagiging simple ko.
Ala sais nang subukan ko siyang tawagan. Tumutunog lang pero hindi sinasagot. Pauwi na siguro at nagmamaneho. Muli akong tumayo at sinuri ang hinanda ko. Hindi ako mapakali kaya nag-isip naman ako kung paano ba dapat ang itsura ko pagdating niya. Seryoso ba? Nakangiti?
Pero mas sexy yata kapag nakaupo at seryoso?
Kinikilig kong kinagat ang aking kuko sa hinlalaki. Kinakabahan ako! Lumipas ang limang minuto, samputong minuto hanggang sa mag-isang oras. Bagot akong tumayo at muling sinilip ang aking cellphone. Wala pa rin kasi siyang mensahe.
Baka may biglaang trabaho o board meeting ulit?
Huminga ako nang malalim. Matiyagang naghintay sa kanya hanggang mag-alas Diyes. Sinubukan ko siyang tawagan, pero ngayon ay out of coverage area na. Kung anu-ano na ang sumasagi sa isip ko. Hindi ko na napigilang maiyak habang isa-isa kong tinitingnan ang pinaghirapan ko.
Lumipas ng kalahating oras pa'y tumayo ako at inalis lahat ng 'yon. Tinapon ko rin ang binili kong alak, bulaklak, at kandila. Ayaw kong isipin niyang hinintay ko siya at naghanda ako ng ganito. Nagbihis ako at binura ang aking make-up. Umiiyak akong nahiga.
Hindi na alam kung ilang oras o minuto ang nagdaan, hanggang sa umilaw ang kuwarto ko. Gising ako, pero hindi ako bumangon nang subukan niyang tumabi sa akin. Hinalikan ang aking noo at bumulong, "I'm sorry, Baby."
Amoy alak siya!
Kahit pa gusto ko siyang awayin ng gabing iyon. Tiniis ko. Nagpanggap akong tulog. Nanatili siya nang matagal sa tabi ko bago umalis. Sa umaga ay naramdaman ko siyang pumasok sa kuwarto ko. Hindi ako gumising dahil sobrang sama ng loob ko. Gumising lang nang halikan niya ang pisngi ko at bumulong na papasok na siya.
I'm so broken when I get up and prepared for the shoot. Parang lalagnatin. Ang sakit pa ng aking ulo. Magkagayunpaman, wala akong magagawa. Narito ako para sa trabaho.
Sinundo ako ng sasakyang lulan ni Lapeetah. Halatang nag-expect siya ng kuwento sa akin tungkol sa surprise dinner date. Tahimik ako buong biyahe.
Sa shoot ay professional kong hinarap. Gumaan na rin ang pakiramdam ko dahil ang bait ni Mr. Bailey at Marie.
"These commercial so far is one of my favorite," sabi ni Mr. Bailey.
Naka-roba kami ni Lapeetah nang magkatinginan. Magkasabay na kinilig sa naging resulta ng aming performance. Tinuro ni Marie ang nagustuhan niyang kuha ko. Iyon ay doon sa street. Isa rin 'yon sa paborito ko. Bukod sa sobrang hiyang-hiya ako sa dami ng taong nanood ay marami ang nagtatanong kung sino ako. Lalo nang ipakita ni Mr. Bailey ang mga comment sa picture ko para sa teaser.
"She'll be going home later," deklara ni Lapeetah. Ramdam ko ang pagbagsak ng balikat nito noong makuha ko ang aking ticket.
"What? Really? Aw—"
Malungkot kong tumitig sa kanila isa-isa. "I had a contract with Lazarde. If they want me to stay. I'll stay. But I think my job so far is done. I will see you all guys for the next project."
Niyakap ako ni Lapeetah. Bumubulong na sasama siya sa akin sa pag-aayos ng gamit. Pero nagulat ako nang mabilis siyang kumalas sa akin at dumistansiya. Lumagpas ang atensyon sa aking likuran.
A distinct goosebump ran down my spine as I thought of one person who can make me felt like this. I spun around and found, Frank from the second floor. Serious and dangerous as he glared down on me.
Ano 'yan galit siya sa akin? Aba!
Inirapan ko siya at tinalikuran. Niyakap ko silang lahat at nagpasalamat bago dumiretso sa Dressing Room. May sumunod sa akin dahil bumukas at sara ulit ang pinto. Umikot ako sa pag-aakalang si Marie or Lapeetah iyon, pero nang makilala kung sino iyon ay napaatras ako.
"Get out! Magbibihis ako," matigas at buong galit kong utos. Ano ngayon kung boss ko siya, wala akong pakialam!
"Let's talk."
"We're over. So leave, Frank!"
Galit niyang pinaliit ang distansiya naming dalawa. Mariin na hinawakan ang braso ko, hindi inaalis ang nakakamatay niyang titig sa akin. "Over? Why Julienne? Is it because you use me so you can meet that boy, ha?"