TO AVOID any conflict and issue, I mingle around with my friends. Hiding the arousing fear in my chest. I just didn't jump on the falls. And from afar I watched Frank and his friends do the same. He was hesitant when his friends asked him to do the backflip. But something pushed him to do so when Sander whispered secretly. He did it with three flips in the air before touching down the water.
Incredible!
Hindi rin nagtagal ay dumami ang tao roon. Grupo at pamilya ang dumating. Nagbabad pa kami ng ilang saglit bago tumulak pabalik sa Dampa. Naglibot kami sa kabilang dako noon para bumili ng souvenir.
Ayaw ng boys ng hot spring, kaya si Susan ang nakasama ko. Si Gatus naman ay kinailangang sumagot sa tawag.
"I like Filipinos. The people here were nice, happy, and polite."
Prente akong nakasandal sa gilid. Nagninilay-nilay sa inakto ko kanina nang marinig ang sinabi ni Susan. Dumiretso ako sa pagkakasandal para makita ko siya. Ang tinutukoy ba niya ay noong muntik siyang madulas kanina at tinulungan siya ni Frank?
"What makes you say that?"
"You and G, you both took everything in a positive way. Do you remember our thesis before? God, I was really dying but your words give me hope. I literally repeat it in my head until it became my strength. Thank you, Juls. I won't make it without you."
Napangiti ako. Kung alam lang niya ang pinagdadaanan ko noon. "I still remember that," I beamed.
"If you had a dream. Do a little effort as a beginning. Don't be afraid if you fail. At least you learn that doing little is not enough and you just exert a little effort. But if you succeed, work hard for it and add more to upgrade that little effort. Repeat that process, don't let the problems and negativity drag you down. They were our enemy. Always think where you began and why you were doing this. You want to reach your dream. Your goal. You can do it. Think positive," koro naming wika na kung minsan ay napapahinto ako, ngunit siya ay tanda niya ng buo.
Tumawa ako. "You're a great sales manager now."
She smiled beautifully. The typical Australian lady with attractive eyes and fair skin. Sometimes I would find her looking at me sensually but she's not.
"You had the future in the modeling industry, Juls. Look at you! You are gorgeous. Just like how Red would always describe you. You are a great blogger... and I heard from Jasmin that your business is growing."
Modeling industry? I am gorgeous?
By afternoon we walked down the mountain. Nagsisimula na akong kabahan dahil sa malayo ay natatanaw ko na ang papalubog na araw.
Lumapit ako kay Gatus at bumulong, "Ligtas naman kahit gabihin na tayo?"
"Girl, oo naman. Tingnan mo, hindi lang tayo ang pababa ngayon. Kasabay natin ang ilang turista. Tsaka itong si Manong, dito na tumanda. Ligtas dito. Maniwala ka."
Tumango ako. Kinuha sa maliit na bag ang cellphone upang buksan. Nakita ko agad ang message ni Frank.
F.Aldrich: Are you okay?
Kinabahan ako nang makitang kanina pa iyon. Siguro ay noong mga oras na tumanggi akong tumalon sa falls. Ibig sabihin kaya ko siya nahuhuling tumitingin ay dahil nag-aalala siya?
Tinago ko ang aking cellphone at lumingon sa likod.
Isa kaya siya sa mga 'yan?
"Juls?"
Inosente akong bumaling kay Red. Hinihintay ako nito at sinabayan sa paglalakad. Tinatanong niya kung okay lang ako. Tango lang ang isinagot ko. Mahabang lakaran ang ginawa namin at hindi ko maintindihan dahil ang dapat na tatlong oras na pagbaba ay parang dekada.
Gumaan lang ang pakiramdam nang matanaw ang ilaw ng Hotel.
"Guys, I will arrange our video. Going to send this later," anunsyo ni Arthur nang makapasok na kami sa malaking gate ng Hotel and Resort.
Sa unahan ay naaninag namin si Jasmin. Mabilis itong lumapit sa akin at bumulong, "Si Frank narito, Baks."
"Oo. Nagkita kami sa taas." Napansin ko ang paglagpas ni Red sa gilid.
"I think, Jasmin miss you a lot," komento nito.
Inakbayan ko si Jasmin bago tumingin dito. "Yeah! You see, she worried a lot. She's a mother, sister, grandmother, and Auntie to me."
"Lola ka riyan!"
Tumatawa si Red nang sumulpot si Arthur. "Guys, where are we going for dinner? The worms inside my tummy were starving!"
Lahat kami ay nagtawanan, ngunit natahimik nang magdaan sila Frank. Inaasahan kong doon siya sa likod ni Red dadaan pero nagulat ako dahil sa gitna namin. Hawak nito ang cellphone niya. May pinindot bago tinago sa bulsa.
Ilang segundo ay umilaw ang cellphone ko.
F.Aldrich: Let's talk
Sa gulat ay napatanga ako. Tumingin sa mga kasama kong abala na sa kani-kanilang cellphone. Ngunit nahuli ko si Red na nagmamasid sa akin.
Gatus clapped his hand. "Let's meet here after one hour for dinner. No late or else he/she will pay the bill."
Inakbayan ko si Susan at Jasmin. "Tara na guyas. Move! Move!"
Sa kuwarto ay hindi ako mapalagay. Pinauna ko na si Susan sa shower. Nang masigurong nasa loob na siya ay muli kong tinitigan ang message ni Frank. Hindi ko alam kung paano ko sasabihing para saan at gusto niya akong kausap. Ayaw kong makita kami ng mga kaibigan kong magkasama, lalo na si Red.
Lumapit ako sa bintana at sumilip sa labas. Natapos na si Susan maligo, pero heto ako. Wala pa ring reply. Sa takot na magbayad ng bill ay naligo na ako.
Maaga kami sa call time. Mabilisang pagbibihis at pagsusuklay. Wala ng make-up, basa pa ang buhok at spray lang ng perfume ay handa na ako. Habang si Susan ay full make-up at mapula ang labi.
"Happy Valentines, Susan," tukso rito ni Gatus.
Arthur and Red got the humor. The three of them laugh, including Jasmin. While I and Glen remained normal. Imbes na mainis ay tinukso pa ni Susan na hahalikan ito. Kaya sa huli ay ang dalawa ang umorder ng dinner.
We are entertained by Arthur by showing us the video.
"Kainggit. Sana nakasama ako. Ang ganda ng coral reefs."
Inakbayan ko si Jasmin. Nilolokong hahalikan siya.
"Baks, ang lagkit lumayo ka nga!" Hinablot niya ang bandana ko at pinagtripan ang buhok ko. Tumayo siya at inilagay iyon sa aking ulo. Tahimik naman akong nagmasid sa ibang nananatili ang topic sa activity kanina.
"That's one of my favorite, plus the Kayak," sabad ni Red.
"Me too. We learn a lot from the people there. They are protecting the ocean. I just hope those villagers who gained money from the ocean stop using dynamite. If you could see the bottom of the sea. Major of the population of fish and corals were dead. Thanks to their program. It was reviving now," mahabang lintanya ni Arthur.
Kinalabit ni Jasmin si Red at tinanong kung bagay ba.
Tumitig nang matagal si Red sa akin bago nagkomento, "She looks extremely beautiful."
I lost for words when I saw Frank and his group sat on the opposite table. May kasama na silang babae sa grupo. Sa pamumuno ni Sander ay maingay ang mesa nila.
Tinuon ko ang aking atensyon sa pagkain ng dumating. May kasalukuyang pinag-uusapan sila. Kami lang ni Red ang may ibang topic.
"I and Peet shared some of your blogs. Our followers were asking about the brand and logo you were wearing. We felt bad for not responding. But my Asian followers do know so they answer it for me and Majesty boom in France. That's because of you," Red whispered on my side.
Panay ang sulyap ko sa mesa ni Frank dahil maingay. Pero hindi ko maiwasang mapaisip ang ambag na nagawa ko para kay Majesty. Alam kong iyon talaga ang dahilan ng kontrata ko kay Gatus, pero parang hindi pa rin makatotohanan sa akin. Maganda kasi at talagang world class ang mga gawa ni Majesty. Kahit wala ako ay sisikat talaga siya.
"I am overwhelmed, Red. But I don't think it was because of me. Majesty is honestly majestic and queen of fashion. She doesn't need me."
"You just have done a great job there, Juls. Why not enter the modeling industry?"
"I'll sign a contract under Lazarde, Red."
Sa araw na ito, ilang beses ko nang narinig ang kataga na iyan. Kaya nga pumayag ako sa offer ni Frank. Speaking of him, I saw their group drinking. May videoke pa kaya lalong umiingay.
Nagpatuloy ako sa pagkain. Kung minsan ay sumasali kila Red. Pero madalas ang pagpuna ko sa isang babae na ngayon ay katabi na ni Frank.
During college days, I knew particularly him attract the female. Women threw themselves on his arms without doing anything. And that woman beside him is one of them. But what I am talking about right now was his college days. I thought he matured. He aged, that was a fact. I am expecting him not to do these things anymore.
Napakurap ako sa inusog ni Red na hipon sa tapat ko. Napansin niya siguro kahapon na iyon ang nilantakan ko kaya niya ginawa iyon. Kaso wala akong gana.
"You don't like it?" he asked.
"I like shrimp, Red. Thank you." Kumuha ako ng isa. Muling napatingin kila Sander nang magsigawan ang mga kababaihan. Huling-huli ko ang paghalik noong babae sa pisngi ni Frank.
Seriously?
"A— Baks, parang wasak na 'yang hipon?"
My reverie came back. I almost dropped the shrimp on my plate when I saw what I am doing. Binabalatan ko iyon gamit ng kamay at hindi namamalayang pinipiga ko na pala. Tumayo ako. "Maghuhugas lang ako ng kamay."
Hindi ko na hinintay ang sagot nila. Mabilis akong umalis doon, hindi alam kung saan pupunta. Natagpuan ko nalang ang sarili ko sa kabilang dako ng dalampasigan. Plano ko sanang lumapit sa lamp post, kaso huminto ako at napagtanto ang ginagawa ko.
Why I am expecting something from him? For sure he came here to unwind. He saw me and we are a business partner, he has the authority to ask me if I am okay. But doing what he wants, it was beyond me. I shouldn't care about that. He wasn't my property after all.
Umuklo ako at naghugas ng kamay. Ganoon lang ako nang makaramdam ng yabag sa likuran. Paglingon ko roon ay napatayo ako nang makilala kung sino ito. Nakatingin ito sa kamay ko bago sa aking mga mata.
"Anong ginagawa mo rito?" Umiwas ako ng tingin nang mahimigan ang iritasyon sa aking sariling boses. Sa unang pagkakataon ay ayaw ko siyang makita. Kapag naiisip kong nagpapahalik siya sa kung sinu-sinong mga babae. Naiinis ako!
"Ikaw, ano ring ginagawa mo rito? Baka hinahanap ka na ng boyfriend mo."
Lumingon ako sa kanya. "Wala akong boyfriend."
Tumaas ang kilay niya. "Talaga? Bakit nagpapahawak ka sa balakang. Sa braso. Sa—"
"Kaibigan ko lang si Red. Normal sa magkaibigan ang nagdadamayan." Nahihintatakutan akong napaatras noong lumapit siya. Nangliliit sa mayabang niyang titig.
"Si Gary. Matagal mo na siyang kaibigan. Pero hindi ko nakitang hinawakan ka niya ng ganoon. Julienne, do you allow a friend to touch you like that? Always?"
"Bakit ikaw? Nagpapahalik ka pa nga!"
Seryoso ngunit may multo nang ngiti sa labi niya. Binasa niya ang kanyang ibabang labi. Manghang tumitig na ngayon sa akin. "If you like someone else, you will show your feelings and affection. Tell me, Julienne. Why would that woman kiss me? What could be her difference with your friend?"
Pairap ko siyang iniwasan. "Anong paki mo? Wala ka namang pakialam."
"Gusto kong magkaroon ng pakialam, Julienne."
Napatingin ako sa kanya sa gulat. Umihip ang panggabing hangin. Napakalamig noon pero ininda ko sa kagustuhang marinig muli ang sinabi niya. Ang bilis nang kalabog ng puso ko.
"A-anong ibig mong sabihin?"
Pumungay ang kanyang mga titig. "Nagseselos akong may humahawak sa'yo. Selos na selos."
Umahon ang galit sa dibdib ko nang maalala ang nakita ko kanina. Hinalikan siya noong babae at okay lang sa kanya 'yon. Umismid ako. "Nagseselos, pero nagpapahalik naman sa babae. Luma na 'yan! Huwag ako!"
"Hindi ko naman alam na hahalikan niya ako. Saglit lang 'yon dahil umatras ako. Magkaiba ang nagpapahawak ng matagal sa saglit lang."
Bakit binabalik niya lahat sa akin?
"'Di hindi na ako magpapahawak!" hasik ko.
Nagitla ako nang pumatong sa balikat ko ang kanang kamay niya. Hindi inaalis ang titig sa aking mga mata. "That's right. If you don't like the man who is holding you. Don't let their hold stay long. Are we okay with that, Julienne?"
Kinilabutan ako nang dumausdos sa braso ko ang mga daliri niya, pababa at hinuli ang kamay ko. Pinagdaop iyon. Katahimikan ang nanaig sa pagitan namin. Wala akong masabi dahil nalilito ako kung ano ang uunahing pagtuunan ng pansin. Ang mainit niyang kamay na pinipiga ang akin, ang makulit niyang mapupungay na mata o ang sinabi niya kanina.
Itinaas niya ang kamay naming magkadaop. "Is this means you like me too, Julienne?"
My eyes narrowed. I'm trying to withdraw my hand but he is holding it tight.
"Asa ka! Hindi ako magkakagusto sa nagpapahalik sa kung sinu-sino."
He was serious, yet the side of his lips curve up into a sexy grin. "Noted, Julienne. From this moment onwards, no one can kiss me except you."