Surprised

2139 Words
LOOKING BACK the days when I absentmindedly earn deep feelings with Frank, just by his mere sight. Effortless. Just his usual angry gaze. Arrogant stunts. Deadly activities. Rare sexy smile. Seducing smile. He never has done good, but in my eyes he was perfect. Even if I witness him making out with someone else, I don't feel any turning down. Kahit ang makita siyang umiiyak. Ang bukod tanging kong naramdaman ay awa sa kanya at awa sa aking sarili. Ito na baa ng senyales? Dapat ko na bang tanggapin na imposible niya talaga akong magustuhan? Ang taas kasi ng pangarap ko! Malalim na buntong hininga ang ginawa ko. Sa humigit isang buwan ko rito sa Rios De Bay, ang tanging nagpapalubag loob sa aking kalungkutan ay ang makitang bumabalik na ang nagastos ko sa pagpapagawa ng three storey building at ang baby ni Jasmin. "Baks, 'yung tenant sa three may iniwang bouquet para sa'yo." Sinundan ko siya nang tingin habang paakyat sa hagdan, bitbit ang tinutukoy niyang bulaklak. "Gusto mo sa'yo nalang. Mahilig ka sa bulaklak, hindi ba?" "Naku, 'wag na. Baka magselos pa si Glen. Dito ko nalang ilalagay sa kitchen table mo." "Bahala ka! Swimming lang ako sa sixth floor." Kinuha ko ang tuwalya at maliit na bag na naglalaman ng aking personal hygiene, roba, wallet, cellphone at malinis na damit. "Sunod ako mamaya. Pupunta ka pa ba sa gym mamaya? Pupunta roon si Coach Giselle." Bago lumabas sa pinto ay niligon ko muna siya. "Oo. Pinag-iisipan ko 'yung offer ni Gatus. Fitness outfit blogger." "Game rin ako. Ano laro na rin ng volleyball mamaya?" Nabitin ang pag-twist ko sa doorknob upang titigang maigi ang aking kamay. Nitong huling laro namin napansin kong humina na ang laro ko. Kung noon kinakatakutan ang hampas ko sa bola, ngayon ay normal nalang ang epekto nito. Dahil ba sa tagal ko nang hindi nakakapaglaro o dahil epekto noong landslide? "Sige bukas, Jas. Kalaban ba natin 'yung magagandang bagong sali sa gym?" "Oo. Pauwiin nating luhaan!" Ngumisi ako bago lumabas. Pero sa totoo lang, nag-aalala ako sa nangyayari sa akin. Kung dati madalas akong makakita ng mga bagay na maaaring mangyari sa hinaharap o mangyayari palang. Ngayon ay hindi na ulit iyon naulit. Pero nakakakita ako ng eksena tungkol sa pagkatao ko. Iyong eksena noong bata pa ako. Pagkalabas ko ng elevator ay dumiretso ako sa pool. It's eleven in the morning of February. The weather is bright summer. I chose the front sun lounger to put my things. I stripped, leaving my strife two-piece. I took a quick video of myself to update my story on i********:. And when I saw it done, I went through the inviting pool. Halos magtindigan ang balahibo ko sa lamig ng tubig. Malayo sa dalang init ng hangin. Bago lumubog ay pinanood ko ang dalawang pamilya na dumating. Nagtatakbuhan ang mga kasama nilang bata. I smiles because they were all cute on their hello kitty pink bikini. Ang mga magulang naman ay nagtatawanan. Sa likuran ko naman ay namataan ko ang grupo ng kababaihang gaya kong naka-two piece rin. It's good that I'm not alone here. I just let myself float. Both of my eyes close while thinking about what happened in my life now. I had money, land, house, and loving and happy friends. But I know that I am still not happy. I'm still incomplete. Iyong bang hindi ko alam ang purpose ko sa mundong ito. Bakit ako nagpapatuloy? Bakit ko tinutupad ang pangarap ko? Sino ang inspirasyon ko? Pero isa sa mga rason ko noon ay dahil sa kahirapan sa buhay. Hindi ko kayang bilihin ang gusto ko dahil wala akong pera. Kaya nagsumikap ako. Pero ngayong nakukuha ko na ang gusto ko, kulang pa rin. May kulang. Hinayaan kong lumubog ang aking sarili sa tubig, bago nagpasyang lumangoy. Ilang pabalik-balik, hanggang sa manawa ay umahon sa gilid. Nagtataka kong tinitigan ang pares ng itim na sapatos sa harap ko. Nagkamali ba ako ng nilapitan na gilid? Pag-angat ko tingin sa kung sino ito. Those pair of familiar deep sets of blue eyes, attractive and hairless jawline, grim line lips, and dangerous aura made me gasped and panicked to cover my chest. "Frank!" He cleared his throat when he realized he was staring long enough on my exposed cleavage before he looked away. "I was told that you were here." "Bakit? Anong kailangan mo sa akin?" "About the investment." "Bakit? Akala ko ba si Miss Jyra—" "She cannot come," he cut me off. "Alright." Sumisid ako sa mababaw na parte upang makaahon. Kumakalabog ang aking dibdib dahil pinapanood niya ako sa paglalakad hanggang makuha ang tuwalya. Kahit sa pagtuyo ng aking buhok. Gosh! Hindi ba niya napapansin na nahihiya na ako. "Uh, Frank. Okay lang bang magbibihis muna ako?" Tango ang isinagot niya sa akin. Hinablot ko lahat ng gamit sa sun lounger. Mabilis ang kilos habang sinusuot ang roba, papasok sa elevator. Tinawagan ko si Jasmin. Unang ring palang ay sinagot niya agad. "Frank is here!" "So, what?" "Jasmin Moreno, nandito siya para personal na i-discuss ang investment na gagawin ko." "W-what? Hindi ba't nasa pool ka? Hala ka! Nakita niya ang voluptuous at pak na pak mong katawan?" Nailayo ko ang cellphone sa akin tainga nang umalingawngaw ang malakas na tili niya at tila hihimatayin sa kakatawa. "Anong nakakatawa roon? Nakakahiya kaya. Naka-formal wear siya, halatang business ang ipinunta tapos ako nakaganito." "Baks, relax. Hindi mo naman alam na pupunta siya rito. Teka, paano niya nalaman kung nasaan ka? Oh, s**t! Tingin ko 'yung tumawag sa akin na lalaki ay siya? Baks, narito na ako sa sixth floor. Nasaan ka na?" Napairap ako sa kawalan. "Magbibihis syempre. Ayaw kong humarap sa kanya ng ganito tapos formal ang pag-uusapan." "Okay lang 'yan, Baks. Malay mo 'yon lang ang paraan para makuha moa ng atensyon ni crush." Binaba ko ang tawag pagkapasok ko sa unit ko. Dumiretso ako sa bathroom at mabilisang naligo. Sa mabilis na paraan ay natapos ako at nagbihis. Kung ano ang nasa ibaba ay iyon na ang sinuot ko. Iyon nga lang ay crop top midi skirt set siyang floral white. Gusto ko sanang palitan kaso naramdaman kong tumutulo ang basa kong mahabang buhok. Shocks! Nakakataranta naman! I blow-dried my hair for about three minutes before I put light lips stick and enough pressed powder. A quick spray of my perfume. Combed my hair using my finger. I took my phone and keycard then I am ready. Kulang nalang ay wasakin na ng puso ko ang kinalalagyan nito sa lakas ng pintig habang pababa ng elevator. I check the message from Jasmin. Frank is waiting for me at the restaurant, which is the opposite of this condominium. Pagkalabas ng elevator ay hindi ko na naririnig ang sarili kong yabag o ingay mula sa mga sasakyang dumaraan. May pedestrian doon kaya kalmado akong tumawid at tinanaw ang nasabing restaurant. An usherette assisted me to where he is. He was on the second floor. Likod palang niya ay nakilala ko na agad. Nagtataka tuloy ako noong sa Paris kung bakit hindi ko siya nakilala. O baka dahil iyon ang unang pagkakataon na nakita ko siyang naka-tux at hindi nakaharap. Kumpara ngayon na naka-white button down shirt lang siya at slacks. "Salamat sa paghihintay." Habang papaupo, pinapanood ko ang pag-ikot niya ng kutsarita sa tasa bago humigop doon. Tumingin sa akin. "The weather here is nice compared to Owl City. Good choice. Are you going to stay here for good?" Nakakatunaw ang titig niya. Parang nauubos ang hangin sa paligid ko at nauubusan ako. "D-dipende." "Where are you going to live then?" Bumaba sa mesa ang aking atensyon. Hindi ako sanay sa ganitong casual na pag-uusap. Lalo sa buong atensyon na pinupukol niya. Nalulunod ako. "May nakuha akong apartment sa main." "Apartment?" Napatingin ako sa kanya. Bakit? May masama ba akong nasabi? "Are you safe there?" "Uh... oo naman, Frank. Nakalimutan mo yatang tumira ako ng ilang taon doon." The emotion on his eyes changed upon the mention of his name. I'm not sure if those were sarcasm but I know he is just making our conversation light. "Nakakahiya naman na ikaw pa ang sumadya sa akin dito. Puwede namang kahit secretary nalang." "I checked something here, then I heard from Roena that you had a house here too. I got your telephone number. Unfortunately, you're not answering so I called your best friend." Gusto ko sanang tanungin kung saan niya nakuha ang number ni Jasmin. Pinigil ko nalang dahil marami nga pala siyang paraan para makuha. "About the terms and conditions..." Natulala ako sa kanya habang nagpapaliwanag. Kailan niya natutunan ang ganitong pamamaraan? Professional etiquette for investors and such... as much as I remembered him before, he was the kind of person who wouldn't enter this kind of world. He liked extreme sport and danger. He was a rebel, not someone who was going to wear a bow-tie and black tux. He loved ragged, dirty, and dark, as that was his description ever since. Paano siya nagbago? Ano ang nagtulak sa kanyang magbago? Gayunpaman, gusto ko ang pagbabago niyang ito. "Are you going to accept that?" I snapped back when his brow shut up. What? Ano raw ulit? "You'll be included to my private investors. But Julienne, would you like to be a model of Elegance? This won't affect your investment. It's confidential, though." "I don't do modeling, Frank. I'm sorry." "I won't pressure you. Take your time. Think about this one, please." Hindi siya nagtagal. Pagkatapos namin kumain ng sweets ay umalis din agad siya. Gusto kong pag-usapan namin ang ilang bagay, pero pinangungunahan ako ng takot. Baka magalit siya sa akin. Isa pa, ramdam na ramdam ko sa pagitan naming dalawa ang tayog ng mga pader na siyang naghihiwalay sa amin. Kumpara sa nakikita ko sa mga batang Julienne at Frank. Lalo akong nahihiwagaan. Siya ba, noong makita ba niya ako. May nakikita rin ba siyang ganoon? Hindi ba niya ako natatandaan? Marso nang tumawag sila Lapeetah sa akin via facetime. Nagkaiyakan at asaran kami dahil namiss ko sila. Nagulat pa ako dahil dumating sila Red at Susan. Dahil doon ay nagkasundo silang pupunta sa Pilipinas bago matapos ang taon. Bitbit ang bouquet ng puting rosas ay bibisita ako sa puntod ni Charl. Habang lulan ng bus ay sinilip ko ang i********: Frank sa unang pagkakataon. Walang update roon simula last two years. At ang huling post pa niya ay larawan ng ginang na may caption na Mom! Maraming comment doon. Pagkababa ko sa bus ay muli akong naglakad papasok sa Memorial Park. May kalayuan iyon kaya binasa ko muna ang mga comment. Napahinto ako sa unang salita na nabasa ko. Condolence, Frank! Bumigat ang pakiramdam ko. Naalala ang itsura niya noong nagmamakaawa siya kay Bridgette. Ibig sabihn ay hindi lang ako ang dumaan sa hamon ng buhay. Nawalan siya ng matalik na kaibigan. Nang butihing ina. Heart break sa babaeng labis niyang minahal. Iyon marahil ang nagtulak sa kanya para marating kung nasaan siya ngayon. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang hinahanap. Natulala ako sa picture ni Charl. Gusto kong malaman ang gagawin mo, kung narito ka nang mga oras na mag-isa si Frank. Bibiruin mo pa rin ba siya? Kahit nagagalit na siya sa'yo, pangingitiin mo pa rin ba siya? Charl, nahihiya ako sa kaibigan mo. Ikaw lang ang may kakayahang pagaanin ang loob ko sa harap niya. Ngayong wala ka na. Nahihirapan ako. Huminga ako nang malalim bago pumikit at nanalangin. Saglit pang pananatili roon ay umalis na rin ako. Habang naghihintay ng bus pabalik sa Owl City ay may humintong puting Range Rover. Ang bintana sa driver side ay unti-unting bumaba. "Juls?" "Sander?" Tumawa siya at inaya akong sumabay na sa kanya. Pagsakay at pagkakabit ng seatbelt ay nagkamustahan agad kami. "Binisita mo ba siya? Kailan ka pa rito? Nagkita na ba kayo ni Frank?" Ako naman ngayon ang natawa. "Oo. Sander. Last year pa ako rito, bago mag bagong taon." "Talaga? 'Di ka manlang nagpasabi. Kakauwi ko lang from Hawaii. Hinatid ko ang girlfriend ko kaya napadaan ako rito. Narito raw last month si Frank, sayang." "Oo. Nagkita kami." Huminto siya dahil red light. Binalingan ako, may gustong sabihin pero hindi isinatinig. "Gumaguwapo ka, Sander. Hiyang sa girlfriend," biro ko sa kanya. Magaan ang loob ko sa kanya at kay Charl. Magkaugali kasi, bukod kay Frank na talagang kakabahan ka pang biruin. Natawa siya bago pinakilos ang sasakyan nang magberde ang ilaw. "Ikaw din kaya. Hindi pa kita nakilala kanina. Akala ko ibang tao. Hiyang din sa lovelife?" "Wala kaya." "Sus. Ikaw? Wala? We?" "Oo nga. Ayaw pa nito maniwala." "Naku, ang bagal naman ng alaga ko!" Kunot noo ko siyang nilingon. "Alaga?" Tawa ang isinagot niya sa akin. May paghampas pa sa manibela. "Diyan mo nalang ako ibaba sa waiting shed." "Yes, Sir," biro niya. Ginagaya ang tawa ni Charl na pang-asar. "Where do you live, Juls?" Nginuso ko ang building sa likod. Tinanaw niya iyon bago tumango. "So, you're staying here for good?" "Oo, Sander." "Madadalas na pala ngayon ang bisita no'ng isa." Nakababa na ako, pero muli kong siyang hinarap. "Sino?" "Wala. Mahilig ka sa sports 'di ba? Invite kita one of this day. Si Ate kasi, alam mo na." "Si Phillie? Sure. Bigay ko sa'yo number ko." "Perfect!" Nagpalitan kami ng number bago siya umalis. Naiiling ako sa mga pinagsasabi niya, gayunpaman. Gumaan bigla ang pakiramdam ko. Siguro dahil naalala ko sa ugali niya si Charl.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD