Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Adi. Nasa harap siya ngayon ng isang malaking gate. Ito ang unang araw niya bilang istudyante sa Great Empire Academy. Napatingin siya sa paligid. Napupuno iyon ng mga istudyanteng nag-mamadaling makapasok sa loob. Ang Great Empire Academy ay masasabing prestigious school sa lungsod. Lahat ng mga gaya ni Adi na kapos sa yaman ay nangangarap na pakapasok sa paaralang iyon. Kilala ang paaralan bilang paaralan ng mga maykaya at matatalino. Kaya hindi basta basta ang makapasok dito. Kaya nang mabigyan ng pagkakataon si Adi na makakuha ng exam sa paaralang na sambit ay wala na siyang sinayang na pagkakataon. Dahil sa may angkin katalinuhan ni Adi ay naipasa niya ang exam at nabigyan siya ng full scholar ng paaralan. At heto siya ngayon dala-da

