Ethan POV "Oh, saan ka galing?" Napabaling ako sa nagsalita. Himala at gising pa ito. "Diyan lang sa tabi-tabi." Maikling sagot ko. Nagkibit nalikat lamang ito. Ako naman ay nagpatuloy na sa aking higaan. Napansin ko si Ken na nasa sofa natutulog. Ilang linggo na ba siyang natutulog rito. Bigla kong naisip si Adi. Mag-isa siya sa dorm at walang kasama. Paano kung may mangyaring masama? Napabuntong hininga na lamang ako. Kausapin ko na nga lang ang isang ito. Inihagis ko ang sarili sa aking higaan at pinagmasdan ang kisame. Nang-ipikit ko ang aking mata ay biglang si Adi ang lumitaw sa aking isipan. Bigla tuloy akong napamulat. Anu't kayhirap niyang alisin sa sistema ko. May kung anu sa loob ko na gustong palaging nasa tabi niya. Nakaka-addict ang ngiti at boses niya.

