Adi POV Ayaw ko na sanang isipin pa ang sinabi ni Rio kanina. Pero kahit na naging busy kami ngayong araw dahil sa mga kailangang gawin ay patuloy pa rin sumasagi sa isip ko ang mga litanya ni Rio. Hindi ko maiwasang ilayo ang sarili ko sa kanila kahit na itong si Ethan ang panay lapit sa akin. Lalo pat pakiramdam ko ay nakabantay sa akin si Rio. Natapos ang mala talk show na video coverage ng team ng resort ay sinunod namin ang pictorial. Napag-alaman kong kasama pala sa deal ng school at ng may-ari ng resort na ito ay ang maging ambasador sa kanilang online campaign. Hindi ko tuloy maintindihan kung educative community ba ang school o Entertainment industry. Minsan nga ay matanong ko nga si Bea tungkol dito. Lihim akong nagpasalamat nang sabihin ng Marketing Officer ng reso

