AUTHOR POV Pag-uwi ni Haydee sa kanilang bahay, naabutan niyang nagwawala ang kuya niya. Ang ina niya’y nasa labas ng bahay, halatang hindi alam ang gagawin, habang mahigpit na hawak ang isang bag. Agad na nilapitan ni Haydee ang ina, “Ma!” “Anak, huwag ka munang magpakita sa kuya mo… bilis, umalis ka muna,” nanginginig ang boses ni Ellaine. Mahigpit na niyakap ni Haydee ang ina. “Hindi, Ma. Hindi kita kayang iwan.” Inabot ng ina ang bag sa kanya. “Mga damit mo ’yan… maghanap ka muna ng matutuluyan o kaya’y umalis ka muna ng ilang araw. Galit na galit ang kuya mo sa’yo.” “Paano na kayo?” “Huwag mo akong alalahanin. Ikaw ang kawawa kapag nakita ka niya.” Isang malakas na basag ng bote ang umalingawngaw sa labas, kasunod ang isang galit na sigaw. “Haydee!” sigaw ng kuya niyang si

