AUTHOR POV Lumabas si Shantal sa hall, mabigat ang bawat hakbang papunta sa pool area. Malamig ang simoy ng hangin, at sa ibabaw ng tubig ay kumikislap ang mga ilaw mula sa villa. Umupo siya sa gilid, yakap ang maliit niyang clutch, at kahit pilit niyang pigilan, kusa pa ring tumulo ang mga luha sa pisngi niya. Tahimik ang paligid hanggang sa marinig niya ang pamilyar na boses sa likod niya. “Shant? Hey… are you okay?” Hindi siya sumagot. Lalo lang niyang kinuyom ang clutch, pilit na itinatago ang luha, pero sa bawat paghinga ay mas lalo itong bumabagsak. “Are you crying?” mahinang tanong ni Jaden habang lumapit. “Shant, look at me.” Hinawakan nito ang braso niya at marahang pinaharap sa kanya. “Just leave me alone, please… I just want to be alone!” halos pabulong pero puno ng pigh

