Author’s POV Makalipas ang ilang linggo mula nang magsara ang pinagtatrabahuhang restaurant ni Shant, tuluyan na siyang nawalan ng trabaho. Mula noon, halos araw-araw siyang naglalakad sa ilalim ng araw, dala ang brown envelope ng kanyang resume. Ilang kompanya na ang inaplayan niya, pero halos pare-pareho lang ang sagot. “We’ll call you if you qualify.” “Sorry, college graduate lang ang hinahanap namin.” Napayuko na lang siya sa tuwing maririnig iyon. Gusto sana niyang makahanap ng matinong trabaho sa opisina, pero alam niyang limitado ang chance niya. Pag-uwi niya, sinalubong agad siya ni M Elaine sa may pintuan. "Anak, nakauwi ka na pala,” sabi nito habang pinupunasan ang kamay sa basang apron. “Oo, Ma. Wala pa rin akong nakuhang work. Parang lahat ayaw sa tulad ko.” Lumapit

