KHETHANIA POV
Reborn of the Legendary Phoenix.
Hindi pa rin ako makapagsalita lalo na at kakaiba ang dating no'n sa akin. Bakit nga ba nararamdaman ko ito, wala naman siguro iyong koneksyon di ba? Sadyang nakakagulat lang ang mga nalaman ko sa Allejera at sa mga nangyayari sa lugar na iyon dahil sa mga taga-Holland.
"P-Posible nga bang buhay pa ang prinsesang sinasabi mo?" tanging tanong ko sa kanya.
"Oo, buhay siya. Sadyang nahihirapan lang kaming alamin kung nasaan siya. Hindi namin masabi kung saang lugar siya naroon. Nilibot na namin lahat pero wala pa rin. Siguro totoo ngang kahit anong gawin namin, wala kaming makuhang impormasyon sa kanya. Maybe, the Queen of Allejera use a barrier, so that she can't use a magic," sagot niya sa akin na siyang muling ikinabigla ko.
'Maybe, the Queen of Allejera use a barrier, so that she can't use a magic,'
'Maybe, the Queen of Allejera use a barrier, so that she can't use a magic,'
N-Nagkataon lang siguro hindi ba? Hindi ito konektado sa akin di ba? P-Pero bakit ganito ang nararamdaman ko, bakit?
Imposibleng magkaroon ito nang koneksyon sa akin. No, it can't be. Wala itong koneksyon sa akin, tama wala.
"B-Bakit naman gustuhin ng reyna na gawin iyon sa anak niya?"
"I don't know, maybe she did that to protect her daughter against the dark wizard," sagot niya.
Dark wizard?
I heard it again. Dark wizard.
"Ano naman iyang dark wizard?" muli ko na namang tanong.
"She was the legendary dark wizard who killed a phoenix. She hates phoenix. She lived before in Allejera and she is a sister of the queen. Naging gahaman siya sa kapangyarihan, noong malaman hindi siya nagtataglay nang kapangyarihan ng phoenix. Natuto siyang gumamit ng itim na majika at pinatay ang mga phoenix noon sa Allejera. Ngunit hindi siya tuluyang nagtagumpay at natalo sa reyna ng Allejera na kapatid niya. Simula noon hindi na siya nagparamdaman at wala na kaming balita sa kanya," sabi niya.
Bahagya akong napalunok.
"Lahat ba na may taglay na kapangyarihan ng phoenix, inaatake niya?" tanong ko.
Tumango siya.
Kung ganoon may lahi akong phoenix? Alam ba ng dark wizard na iyon kung sino ako kaya inatake niya akong nang sandaling iyon? Hindi kaya binabantayan lang niya ako dahil alam niya kung ano ako?
Bigla akong napatingin sa paligid, iniisip kong may nagmamasid ba sa akin. Wala naman akong napansing kakaiba, pwera na lang sa isang ibon na papalapit sa amin.
"Teka, iyan na ata 'yong ibon na inutusan mo," sabi ko kay Dylan.
Sabay kaming tumayo at hinintay ang pagdapo ng ibon sa kanya. Nakita kong wala na ang panyo at tanging isang papel na lamang ang naroon.
Kinuha iyon ni Dylan at binigay sa akin. Kinuha ko naman iyon at tiningnan kung ano ang nakasulat.
Mabuti at ligtas ka, Khethania, huwag mo na kaming ìsipin. Hinanap ka namin pero sige doon na lamang tayo magkita sa Allejera at mag ingat ka.
Bella.
Napangiti na lang ako. Mabuti at ligtas sila. Alam ko kung anong kakayahan nila, kaya hindi ko na kailangang mag alala.
"So ano, sasama ka ba o babalikan mo sila?" tanong sa akin ni Dylan.
Napabuntong-hininga ako. Siguro magiging maayos ang paglalakbay nila papunta sa Allejera. Isa pa, mukhang mapagkakatiwalaan naman ang lalaking ito.
"Sige, sasama ako saiyo," sabi ko sa kanya.
"Good. Let's go," anyaya niya.
Tinulungan niya akong makasakay muli sa kabayo at saka kami umalis. Hindi ko mapigilang mapangiti habang napapasulyap sa kanya. Kanina ko pa ito nararamdaman na magaan ang loob ko sa kanya. Tila ba ligtas ako pag nasa tabi niya.
Tahimik lang kaming dalawa. Hindi ko alam kung ano nga ba ang naghihintay sa akin sa lugar na iyon. Lalo na sa mga nalaman ko ngayon.
"Ito ang isa sa bahagi ng Allejera. Madadaanan mo ito kapag papunta ka na sa centro nang kaharian," sabi ni Dylan habang naglalakad at tinuro ang isang bayan.
Hindi pa rin ako masyadong nakakalakad kaya nakasakay pa rin ako sa kabayo.
"Dito muna tayo pansamantala tumuloy ngayong gabi," sabi niya.
Tama, gabi na rin pala at medyo malayo na rin ang nilakbay namin at ngayon malapit na kami. Nagpatuloy kami hanggang sa huminto siya sa isang bahay. Medyo luma na ito pero napakalinis ng paligid. May ilang tao akong nakikitang nasasalubong namin at bahagyang napapatingin naman sa amin.
Napangat ang tingin ko sa bahay. Isa pala itong inn, kung saan pwedi magpalipas ng gabi.
"Halika," sabi niya at tinulungan niya akong bumaba.
Mayamaya may lumapit sa aming isang babae at lalaki.
"Magandang gabi sa inyo, ano po ang kailangan niyo," sabi no'ng ginang.
"Isang kwarto nga po para sa aming dalawa. Isang gabi lang at pakihanda niyo na rin kami ng pagkain," sabi ni Dylan sa mga ito at may binigay siyang pera.
Inakay naman kami no'ng ginang papasok at kinuha ang kabayo namin upang dalhin sa likod ng bahay. Dinala kami sa isang kwarto at sinabing ipaghahanda kami ng pagkain. Mapang asar pang ngumiti sa akin ang ginang bago umalis.
Tsss, nag iisip siguro iyong nang kung ano tungkol sa amin ni Dylan.
Nang nasa kwarto na kami, malaki siya. Napakalinis at maaliwalas ang paligid. Napatingin ako kay Dylan nang umupo siya sa couch at bahagyang ipinikit ang mata. Doon ko siya natitigan nang mabuti. Inaamin kung magandang lalaki siya, tigasin ang katawan a-- hindi ko natuloy kung ano man ang iniisip ko nang bigla siyang dumilat. Kaya naman napaiwas ako nang tingin at kunwaring may inaayos sa tabi ko. Panakaw-tingin ako sa kanya kung anong ginagawa niya. Natigilan pa ako nang makitang naghuhubad siya ng mga damit.
"A-Anong ginagawa mo?" kinakabahan kong sabi sa kanya.
Napalingon siya sa akin, habang patuloy pa rin sa paghuhubad.
"Maliligo ako, bakit?" sagot niya sa akin.
Napaiwas ako nang tingin sa kanya, nang matapos na siyang maghubad. Tanging iyong pangbabamg short na lang ang suot niya.
"Bakit naman sa harap ko pa kailangang maghubad, may kasama kang babae dito. Ano ka ba," naiilang kong sabi.
Narinig kong natatawa siya kaya napalingon ako, pero muli lang rin akong umiwas.
"Hindi mo ako kailangang dektahan sa kung anong gagawin ko, isa pa hindi naman ako tuluyang naghubad di ba? Tsss, maliligo lang ako kaya maiwan na muna kita," sabi niya at tumalikod na sa gawi ko.
Ha! Dektahan? Bakit dinidektahan ko ba siya? Sinabi ko lang na bakit sa harap ko siya naghuhubad eh, tsss baliw din ang lalaking iyon. Nakakainis talaga minsan ang ugali niya. Kanina niya pa ako binabara, hays!
Napabuntong-hininga na lang ako at dahan-dahang naglakad papunta sa balkonahe. Nakikita ko ang liwanag ng buwan, kaya napangiti ako habang minamasdan iyon.
"Ang ganda," sambit ko.
Habang nakatingin ako doon, may napansin ako sa di kalayuan. Mariin akong napapatitig doon. May isang tao na nakatayo sa isang mataas na bahagi ng bahay, may katabi itong isang ibon. Kulay itim na ibon. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Namalayan ko na lang ang sarili na dahan-dahang napaatras. Dahil sa napakabilog ng buwan, nakita ko ang paglipad ng ibon. Muli akong napaatras nang makitang patungo ito sa akin.
"Hey!"
Nagulat ako nang may mabangga ako at nakita ko si Dylan. Bagong ligo at nagpupunas ng tuwalya sa ulo. Muli akong napatingin sa labas at nakita kong wala na doon ang taong naroon. Napahawak ako sa dibdib ko habang nakatingin doon.
Nagkataon lang ba iyon? Hindi naman siguro siya iyon di ba?
"May problema ba?" narinig kong tanong ni Dylan at napatingin sa tinitingnan ko.
"Anong mayroon sa labas?" muli niyang tanong.
"M-May isang taong nakatayo doon, habang may kasamang itim na ibon," sabi ko at itinuro ang kinaroroonan ng taong naroon kanina.
Napansin kong natigilan si Dylan at napatingin sa itinuro ko.
"Wala naman ibang tao doon," sabi niya.
"H-Hindi ko alam, basta nakita ko iyon at iyong ibon ay lumipad patungo dito pero hindi ko alam kung saan na napunta," sabi ko at tumalikod na sa kanya.
Napaupo ako habang nakakuyom ang kamay ko at napayuko.
"H-Hindi ito ang unang beses, inatake ako ng mga itim na ibon habang kasama ko ang dalawa kong kasama sa Tauwan. Noong ginamitan na nila ng majika, nawala na lang iyon bigla. Sinabi ng mga kasamahan ko na kagagawan iyon ng d-dark wizard," sabi ko habang nakayuko.
"W-What?" naramdaman ko ang pagkagulat ni Dylan habang sinasabi ko iyon.
"Tulad nang sinabi mo, sinabi rin nila na tanging mat lahing phoenix lang ay inaatake nito. H-Hindi ko maintindihan kung bakit, k-kung totoo bang may lahi akong phoenix kaya niya ako nais atakihin," sabi ko.
Naramdaman ko ang pamamasa ng mga mata ko, hanggang sa tuluyang dumaloy sa pisngi ko ang luha. Hindi ko na narinig na magsalita si Dylan. Hindi na rin ako nagsalita at patuloy na umiiyak. Naguguluhan ako lalo na sa mga nalalaman ko.
"Kaya ka ba pupunta sa Allejera upanh alamin ang pagkatao mo?" narinig kong tanong niya.
Tumango ako.
"Oo, pero wala akong alam tungkol sa sinasabi niyong phoenix at sa dark wizard. Ang nais ko lang ay alamin ang ugnayan ko sa Allejera, pero dahil sa mga nalaman ko mula saiyo at sa sinabi ng kaibigab ko, naguguluhan na ako," sabi ko habang umiiyak.
Naramdaman ko ang paglapit sa akin ni Dylan at hinawakan ako sa balikat.
"Malalaman mo rin ang lahat kapag nasa centro na tayo ng Allejera," mahinahon niyang sabi.
Nag angat ako nang tingin at natigilan nang siya mismo ang pumunas ng luha ko.
"Huwag kang mag alala, nasisiguro kong masasagot lahat ang katanungan mo, sa ngayon kailangan mo munang magpalakas. Halika na, ipinaghanda nila tayo nang makakain," sabi niya at inabot sa akin ang kamay niya.
Ngumiti ako at kinuha ko iyon.
Sabay na kaming lumabas nang kwarto upang kumain. Dahil sa ginawa niya, gumaan agad ang pakiramdam ko.
"Ayos lang ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Dylan matapos naming makakain kanina at narito na ulit kami sa kwarto. Sa couch siya humiga at hinayaang dito ako sa kama.
"Oo, mabuti na lang rin at pinahiram ako ng damit," sabi ko.
Tumango siya at ngumiti saka niya pinikit ang mga mata. Nahiga na rin ako sa kama at bahagyang tumingin sa labas. Maliwanag pa rin ang buwan, kung ano man ang matutuklasan ko bukas pagdating namin sa centro ng Allejera. Sana makaya ko at matanggap ko.
'Ngayon pa lang kinakabahan na ako, iwan ko sadyang nararamdam ko na lang ang kaba," sambit ko sa sarili at pumikit na.
It's alright Khet, we can do this.