Chapter 6

1460 Words
"So, ano? Alam na ba niya kung anong kapangyarihan mayroon siya?" agad na tanong ni Drake sa amin. Nandito kami sa tinutuluyan nilang bahay. Ngunit, tulala pa rin ako at nalilito. "Someone sealed her power, so that she can't use magic," sabi ni Bella sa kanya. "What?" hindi makapaniwalang sabi niya at naramdaman kong tumingin siya sa akin kaya napayuko ako. "But she can use her ability being a swordwoman. Mahusay siya sa ganoon," muling sabi ni Bella. Narinig kong napabuntong-hininga si Drake at lumapit sa akin. Hinawakan niya ako sa balikat. "Don't worry Thania, we are here to help you," sabi niya. Nag angat ako nang tingin at ngumiti sa kanya. "Bukas na tayo umalis para naman makapaghanda pa tayo," sabi ni Bella. Tumango ako. "Doon na kayo magpahinga sa kabilang kwarto, mauna na ako sa sainyo," paalam niya. Sabay kaming tumango ni Bella at pumunta sa kwartong sinasabi niya. Malinis naman ang kwarto at may kalakihan ang kama kaya kasya kami ni Bella. Binagsak niya ang katawan sa kama at napapikit. "Ahm Bella, may itatanong lang sana ako saiyo," sabi ko sa kanya. Nagmulat siya at tumingin sa akin. "Ano iyon?" sagot niya at marahan siyang umupo sa kama. Napatitig ako sa kanya saglit bago nagsalita. "Bakit siya nandito?" Nakita ko kung paano siya matigilan sa sinabi ko. Mukhang alam naman niya kung sino ang tinutukoy ko. Hindi agad siya nakasagot at bahagyang umiwas. Narinig ko ang mahinang buntong-hininga niya. "I'm sorry, I didn't tell you about it. I know that Drake was courting you before and it makes me feel that I dissapoint you. We are just arranged marriage. Our both parent's decided it, even if we're against. Wala kaming nagawa, sinabi niya sa akin na huwag sabihin ang bagay na iyon saiyo. I feel guilty about it, but we dont have a choice," paliwanag niya. Hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya. Arrange marriage? "His mother wants him to be a doctor just like my Father. Kaya naroon siya kanina dahil tinuturuan din siya ni Dad habang nag aaral din siya ng medicina. Ngunit mahusay rin siyang gumamit ng kapangyarihan at pakikipaglaban." Tumango lang ako dahil sa sinabi niya at hindi parin nagsalita. Napansin kong tumayo siya at lumapit sa akin. Hinawakan niya ako sa balikat kaya napatingin ako sa kanya. "Kung mahal mo siya, gagawin ko ang lahat hindi lamang matuloy ang binabalak ng mga magulang namin," sabi niya. Napailing ako at hinawakan ko ang kamay niya. "Hindi mo kailangang gawin iyon, nakikita kong mahalaga na rin siya saiyo at ayokong ako ang dahilan upang mawala iyon. Bella, alam naman nating pareho kong anong nararamdaman ko kay Drake. He's just a friend for me, nothing else. Kaya masaya akong marinig iyan saiyo. Kahit ipinagkasundo lamang kayo, alam kong balang-araw matutunan niyo rin mahalin ang isa't-isa," sabi ko sa kanya. Nakita ko kung paano dumaloy sa pisngi niya ang luha. Pinahid ko iyon kaya napangiti siya. "Sana nga Thania at mangyari iyan, lalo na at mahal ko na siya," umiiyak na niyang sabi. "Sigurado akong importante ka rin sa kanya. Kaya huwag ka nang mag alala, nandito pa rin ako upang suportahan ka," nakangiti kong sabi at niyakap siya. Naramdaman ko rin ang yakap niya kaya mas lalo akong napangiti. Walang dahilan para hindi ako maging masaya sa kaibigan ko. Pareho ko silang kaibigan. "Bakit gising ka pa?" Natigilan ako nang marinig ang pamilyar na boses. Naramdaman kong tumabi siya sa akin. "Hindi ako makatulog," sagot ko. "Kailangan mong magpahinga, Khet," sabi niya. Natigilan ako nang sabihin niya ang dating tawag niya sa akin. Khet. Hindi ako sumagot sa kanya. Naramdaman ko ang tingin niya sa akin pero nanatili parin akong nakatingin sa harapan. "I'm sorry." Muli akong natigilan sa sinabi niya kaya napalingon ako sa kanya. "For what?" Napabuntong-hininga siya. "I'm sorry for not telling you the truth why I left. I just can't, I don't want you to get hurt," sabi niya sa akin. Bahagya akong napangiti sa sinabi niya at tinapik siya sa balikat. "Okay lang iyon, nagulat lang talaga ako nang makita ulit kita dito. Sinabi na lahat sa akin ni Bella ang tungkol sa inyong dalawa. Huwag kang mag alala, masaya na ako para sa inyong dalawa," sabi ko at ngumiti sa kanya. "Thank you," tanging tugon niya. Natahimik kami saglit bago siya ulit nagsalita. "Sigurado ka na ba talaga na pupunta ka sa Allejera?" tanong niya. Hindi ako nakasagot agad sa tanong niya. Dahil doon sa nalaman ko kanina ay nag aalangan na ako. Hindi ko alam kung dapat ba akong pumunta pa roon, lalo na sa lagay nang kapangyarihan ko. Napabuntong-hininga ako. "Oo, sigurado na ako. Gusto ko talagang alamin ang lahat kung sino ako at sa lugar na iyon ko lamang iyon masasagot," sabi ko. "Sige, nandito lang kami para tulungan ka," sabi niya. Ngumiti lang ako sa kanya ganoon rin ako sa kanya. Mayamaya rin ay nagpaalam na akong magpapahinga para sa pag alis namin bukas. Kinabukasan, nagpaalam na kami sa ama ni Bella upang umalis. Matapos naming makapagpaalam ay umalis na kami. Sakay kami sa kanya-kanya naming kabayo na pag aari nina Drake para na rin hindi kami masyadong mahirapan sa paglalakbay namin. Habang naglalakbay kami paalis ng bayan. Panay paalala naman si Drake na dapat mag ingat kami sa lugar na dadaanan namin dahil maraming mga bandido ang nakaabang. Nagkukwentuhan rin kami habang naglalakbay. "Magpahinga na muna tayo doon," sabi ni Drake habang nakaturo sa isang kweba sa tabi ng malalaking bato. Maggagabi na rin kaya kailangan muna naming magpalipas nang gabi. "Sige," sang-ayon namin Bella at sumunod kay Drake. Bumaba kami ni Bella sa mga kabayo namin at tinali ang mga ito sa isang puno, saka kami sumunod ni Bella kay Drake sa kweba. Gumawa nang apoy si Drake para mainitan kami dahil medyo malamig na rin at tela uulan. "Alam niyo ba kung saang lugar na tayo?" biglang tanong ni Drake. Napatingin naman ako kay Bella at nakita kong seryoso siyang tumingin sa amin. "I know this place, much better if we stay here tonight," mariin niyang sabi at tumango kay Drake. Tumingin sa akin si Bella. "Naalala mo ba kung saan inatake si Lucas habang pabalik siya sa Atlanta noon?" sabi niya. "Hindi ko alam kung saan pero naalala ko na subrang dami nang sugat niya noon. Dahil inatake siya ng mga lobo," sabi ko. Tumango siya. "Dito sa lugar na ito iyon nangyari, kaya mas mabuting walang kahit na sino sa atin ang lalabas ngayong gabi para siguradong ligtas tayo at hindi tayo mapalaban," sabi naman ni Drake. Tumango kami ni Bella sa kanya at muling nanahimik. Mayamaya nag ayos kami nang matutulugan namin. Pinatay na rin ni Drake ang apoy saka kami nagpahinga upang magpatuloy bukas. 'Awoooh! Wooooh!' Napamulat ako dahil sa ingay na iyon. Kaya dahan-dahan akong napaupo at tumingin sa labas. Madilim roon at tanging liwanag lang ng buwan ang siyang nagsisilbing liwanag sa paligid. Tumingin ako kina Bella at Drake habang natutulog. Marahan akong tumayo upang tumingin sa labas. Ngunit agad akong nagtago sa gilid nang may nakita ako. Nagulat ako nang makitang may isang nilalang na gumagalaw, kung saan namin tinali ang mga kabayo namin. Napatakip ako ng bibig sa aking nasaksihan. Kinakain ng isang nilalang ang isa sa mga kabayo namin. Mayamaya pa ay may lumapit pang dalawang nilalang at sinugod ang dalawa pang kabayo. Gumawa iyon nang ingay at muntik na akong mapasigaw sa gulat. Mabuti na lamang at may tumakip sa bibig ko. "Huwag kang maingay baka marinig ka at malaman kung nasaan tayo," boses ni Drake. Dahan-dahan akong tumango sa kanya. Inalis niya nang marahan ang kamay niya sa bibig ko at hinila ako sa likod niya saka siya sumilip sa labas. Naramdaman ko naman si Bella sa likod na hinawakan ang kamay ko. Hindi ko napansin na nanginginig na pala ang kamay ko. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakakita nang ganoong klaseng nilalang. Oo, marunong akong makipaglaban at maraming humahanga sa kakayahan ko bilang swordwoman. Ngunit, hindi ko kayang talunin ang ganoong klaseng nilalang. Subrang laki, mas malaki pa sa kabayong dala namin. At wala pa akong karanasan sa pakikipaglaban sa mga ganoong kalseng mga nilalang. "Hindi tayo maaring gumawa nang ingay, mahirap na at baka makita nila tayo," mahinang sabi ni Drake. Bumalik kami sa loob at muling umupo. Napabuntong-hininga ako. Paano na kaya kung ako lang ang pupunta sa Allejera. Baka kinain na ako ng mga iyon dahil wala akong alam. Hays! "Hindi lang iyan ang makikita natin, kaya kailangan nating mag ingat," muling sabi ni Drake. Tumango lang ako at tumingin sa labas. Hindi ko alam pero, naduduwag ako sa kung ano mang masasalubong namin sa daan. Lalo na at wala akong kakayahang gumamit ng majika.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD