Tahimik na naglakad si Khethania patungo sa silid, kung saan dinala si Mest. Matapos niyang marinig ang mga pinag usapan nito ay nagpasiya siyang kausapin ito. Gusto niyang malaman kung may sinabi pa ba si Khezza o may nalaman ba ito tungkol sa kung anong gagawin nito sa Allejera. Naniniwala siya sa sinabi ni Mest dahil nakaharap niya na si Khezza. Wala nga itong ginawa sa kanya sa Holland pero hindi pa rin siya sigurado kung ano nga ba ang gusto nitong gawin. Kaya nais niyang makausap si Mest kung may alam ba ito at nais niya ring alamin ang kalagayan nina Lucy. Binuksan niya ang pinto at nakita niyang nakahiga ito. Nagamot na rin ang mga sugat nito. Naglakad siya papasok at umupo sa isang upuan malapit sa kama. Tiningnan niya ito. Alam niya ang kakayahan ni Mest kaya kailanga

