NAKAABRISYETE si Krissa kay Jackson habang naglalakad sila papasok sa hotel kung saan gaganapin ang engagement party ng collegue nito. Napansin niya na nagpalinga-linga si Jackson sa paligid hanggang sa alisin nito ang pagkaka-abrisite niya at hinawakan siya nito sa siko para alalayan siya palakad patungo sa isang mesa kung saan nakaupo ang mga kaibigan nito. Unang nakapansin sa kanila si Greyson ng mag-angat ito ng tingin patungo sa kanila. “Jackson.” tawag nito sa pangalan ng pinsan dahilan para mag-angat din ng tingin ang kasama nito sa mesa. Hinanda niya ang ngiti sa kanyang labi ng tumutok ang tingin ng mga ito sa kanya. Napatingin naman siya kay Jackson ng maramdaman niya ang pagpisil nito sa siko niya na hawak nito. “By the way, guys. This is Krissa,” pagpapakilala ni J

