BINAGALAN ni Jackson ang pagmamaneho ng kanyang kotse ng mamataan niya si Krissa sa isang waiting shed. Mukhang naghihintay ito ng masasakyan. Akala niya ay nakauwi na ito. No’ng silipin kasi niya ito sa monitor ng CCTV ay wala na ito sa cubicle nito. At late na rin siyang nakauwi dahil may importante siyang tinapos sa opisina. Imina-obra ni Jackson ang kotse patungo sa harap ng waiting shed kung nasaan si Krissa. Sa oras na iyon ay sigurado siyang mahihirapan itong sumakay. Lalo na at umaambon. Idagdag pa na maraming pasaherong naghihintay ng masasakyan. Nang huminto ang kotse niya sa tapat nito ay awtomatikong lumingon ito. Napansin din niya ang paglingon ng ibang pasahero na nasa waiting shed din. He rolled down the window. Napansin niya na yumuko si Krissa para sumilip sa loob

