“KRISSA, kumukulo na. Pwede ko bang tikman kung okay na ang lasa?” tanong ni Jackson sa kanya. Itinigil naman ni Krissa ang paghalo sa ginagawang vegetable salad para balingan si Jackson. “Oo naman,” sagot niya rito. Nginitian siya nito bago nito nilagyan ng sabaw ang hawak nitong sandok para tikman. Siya naman ay pinagpatuloy ang paghalo sa vegetables salad na ginagawa. Nasa penthouse siya ni Jackson sa sandaling iyon. Rest day nila. At niyaya siya nito na pumunta sa penthouse nito na malugod niyang pinaunlakan. Gusto din naman niyang makasama si Jackson. “Matabang para sa akin. Tikman mo kung pareho tayo ng panlasa,” mayamaya ay wika na naman nito sa kanya. Iniwan naman niya ang ginagawa para lapitan ito. “Tikman ko,” wika niya. Kumuha muli ito ng sabaw sa hawak nit

