NILUWAGAN ni Jackson ang necktie na suot ng makapasok siya sa opisina niya. Umagang-umaga pero pakiramdam niya ay stress siya. Pagod na pagod ang pakiramdam niya. Umupo si Jackson sa kanyang swivel chair. Pero sa halip na mag-trabaho ay ang ginawa niya ay binuksan ang laptop at kinonnect niya iyon sa CCTV. Gusto kasi niyang makita si Krissa. Sa tuwing nakikita kasi niya ito, sa tuwing nakikita niya ang ngiti sa labi nito ay pakiramdam niya lahat ng pagod at stress na nararamdaman niya ay nawawala. Stress reliever kasi niya ito. At kapag nakakaramdam siya ng pagod, pinagmamasdan niya ito mula sa kuha ng CCTV. Ganoon din ang ginagawa niya kapag nami-miss niya ito. Kumunot naman ang noo ni Jackson nang makitang wala ito sa cubicle nito. Naisip niyang baka nasa-CR ito o hindi kaya nasa

