Chapter Five

3598 Words
ALAS-KWATRO na ng hapon pero nakahiga pa rin si Tori sa kaniyang kama. Tulala at walang gana habang nakatingin sa kisame ng silid nilang dalawa ni Cass. Agad siyang dumiretso sa kanilang silid at nagkulong. Nawalan siya ng interest na makisalamuha sa mga katrabaho niya. Pakiramdam niya ay bigla siyang naubusan ng lakas. Hanggang sa mga oras na ‘yon ay hindi pa rin siya maka-recover sa mga nalaman at nasaksihan sa studio. Ipinatong niya ang kaliwang braso sa kaniyang noo kapagkuwan ay napabuntong hininga. Hindi mawala sa kaniyang isipan ang mga nasaksihan at isa na ro’n ang magaspang na pag-uugali ng idolong si Jude. Hindi niya akalain na may lalabas na mga masasakit na salita sa bibig nito. Hanggang sa mga oras na ‘yon ay hindi pa rin niya matanggap na kayang manggano’n ng lalaki na tila ba walang pakialam kung anong mararamdaman ng ibang tao. She's having a hard time believing it dahil sa pagkakakilala niya sa lalaki, napaka-caring at out-going nito. She knew him as the person who always cheer up the people around him and always careful on the things that he will say dahil ayaw nitong makasakit ng ibang tao. At least that’s what I remembered about him. Kasalukuyang inaayos ni Tori kasama ang kaniyang mga kaklase ang net sa gynasium ng kanilang eskwelahan para sa gaganapin nilang klase sa PE. Pinauna na sila ng kanilang guro sa gym dahil kinausap pa ito ng kanilang principal. Crowded ang lugar dahil mayroon din silang mga kasabayan na mga estudyante na gumagamit din ang gymnasium ngunit kapansin-pansin na wala rin itong mga kasama na mga teachers. Patapos na sana sila nang biglang silang may narinig na isang sigaw, hindi kalayuan sa kinaroroonan nila dahilan upang matigilan sila sa pag-aayos at mapalingon sa pwesto ng pinanggalingan ng boses. Napailing si Tori nang makita niya ang grupo ni Cathlyn, ang campus queen, kasama ang kaniyang mga alipores na pinapalibutan ang isang babae may salamin na nakaupo sa sahig. Naagaw ang kaniyang pansin sa mantsa na kukay tsokolate sa damit nito. Nakita niya rin ang tapon na tsokolate sa sahig kasama na ang basyo nito. "Ano ba! Apat na nga ang mga mata mo tatanga-tanga ka pa!" "H-hindi ko sinasadya, Cathlyn. Sorry!" hinging paumanhin naman ng babaeng nakasalamin. "Kawawa naman 'yong babae. Sa lahat ng taong makakabangga eh 'yong demonyita pa," rinig niyang saad ng isa niyang kaklase. Napailing siya. Sumasang-ayon siya sa sinabi nito. Matindi ang ugali ng babae. Palibhasa ay spoiled ng magulang kaya kung umasta ay parang reyna. Malaki ang takot ng mga estudyante rito dahil sa impluwensya ng mga magulang nito kaya hindi na katakataka kung wala man lang umawat dito. "Hindi mo sinasadya?" sarkastikong saad nito saka tinapunan ng tingin ang isa sa mga alipores niya. Tumango naman ito saka umalis at kinuha ang isang bote kapagkuwan ay ibinigay iyon kay Cathlyn. Napangisi ang babae habang binubuksan ang bote. "A-anong gagawin mo?" hinatatakot na tanong ng babae. Mas lumawak ang mga ngiting ipinapakita ni Cathlyn. "Sorry ah... hindi ko rin sinasadya itong gagawin ko sa'yo," pang-uuyam na anito. Napatayo ang babae saka napaatras ngunit bigla itong pinuntahan ng iba pang kasama ni Cathlyn at hinawakan sa magkabilang braso upang hindi siya makatakas. "Parang-awa mo na, Cathlyn. Huwag mong ituloy," pakiusap nitong muli ngunit hindi ito natinag. Akma na sana nitong itatapon ang laman ng bote sa babae nang magsalita si Tori bago pa man niya napigilan ang kaniyang sarili. "Leave her alone! Nag-sorry na nga siya sa'yo 'di ba?" Napakagat siya ng bahagya sa kaniyang ibabang labi dahil napunta na sa kaniya ang atensyon ng mga tao sa loob ng gym. Tori also heared gasp from the crowd. Of course hindi ng mga ito inaasahan ang kaniyang pangingialam, maski siya ay hindi niya inaasahan ang paggalaw ng kaniyang katawan pero sumusobra na ang babae. Kailangan ng matigil ang pagmamalupit niya sa kapwa estudyante niya. "Itigil mo na 'yan! Sinabi na naman niya sa'yo na hindi niya sinasadya! Hindi pa ba 'yon sapat?" Napakunot ng noo si Cathlyn habang nakatingin kaniya. Hindi niya tuloy maiwasan ang hindi kabahan. Never in her entire life na napunta siya sa sitwasyon niya ngayon. Her heart is pounding so hard that makes her catch up for her breath. Hindi siya 'yong tipong mahilig sa komprontasyon lalo pa at wala siya sa kaniyang teritoryo. She wanted to live a peaceful life. Lalong lumala ang kaniyang nararamdaman ng lumapit ang babae sa kaniya. "At sinong may sabi na mangialam ka? 'Di hamak na isa ka lang probinsyana! Sampid ka lang dito!" sigaw nito sabay tulak sa aking kanang balikat. Napangiwi si Tori nang maramdaman ang munting kirot sa balikat niya dahil sa impact ng pagkakatulak ng babae. "That's enough Cathlyn!" singit ng isang baritonong boses. Kapwa sila napatingin ni Cathlyn sa nagmamay-ari ng boses. Cathlyn gasped nang makita niya ang nakakunot na mukha ng lalaki. "Jude... wh-what are you doing here? Wala ka bang klase?" mababakas ang kaba sa boses ni Cathlyn nang sabihin niya iyon. "May klase ako but I excuse myself dahil may nakapagsabi sa akin na kaguluhan daw dito. As a part of SSG, I have the obligation to attend and resolve the commotion and this is what I found," paliwanag nito kapagkuwan ay humarap sa mga taong nasa loob ng gym. "May I remind everyone that we should be careful on what we will say for we might not know if we hurt someone just by that. Any of us have no right to humiliate anyone. That's bullying and bullying is a serious offense in this school," dagdag nito saka tinapunan ng tingin si Cathlyn at ang mga kaibigan nito. "I like to speak with you and your friends in the SSG office." "Everyone that we should be careful on what we will say for we might not know if we hurt someone just by that. Any of us have no right to humiliate anyone," pag-uulit niya sa sinabi ng binata. Have you forgotten what you said that day, Jude? Why suddenly you became so blunt? What happen to you? Iyon ang mga nasa katanungan sa kaniyang isipan. Kapagkuwan ay aalala niya ang sinabi ni Cass sa kaniya nang kamustahin niya ang lalaki sa mga nagdaang taon. Cass said he was aloof. Why Jude? Why do I feel that I don't know you at all after all these years? Tori shook her head. Bukod doon ay nagpaulit-ulit din sa kaniya ang mga narinig at nakita sa maliit na pasilyo na iyon kung saan niya nakita ito kasama ang isang babae that made her heart ache. Ang paraan ng pagkakayapos ng babae kay Jude habang hinahalikan ang mga labi nito. Mabuti na nga lang at nagkaroon siya ng lakas ng loob na umalis sa lugar kung saan siya natulos dahil kung hindi ay baka isang malaking kahihiyan pa ang natamo niya. Isipan pa na isa siyang tsismosa. From that time on naging tahimik na siya hanggang sa makabalik na rin ang binata sa loob ng studio. Itinapat niya ang kaniyang kamay sa kaniyang dibdib at paulit-ulit na pinukpok 'yon. She felt a thousand needles pierced her heart. Ngayon niya lang naramdaman ang ganitong sakit na para bang hindi siya makahinga. Jen. Iyon ang pangalan ng babaeng kahalikan nito. Sino kaya 'yun? Bakit niya hinahalikan si Jude? At bakit hinahayaan ni Jude na halikan siya nito? May affair ba sila? Paano na 'yong sinabi niya sa presscon na hindi siya marrying type na tao? Kasinungaling ba 'yon? Natilihan siya sa narealize. Could there be a possibility? Magagawa nga kaya ni Jude na magsinungaling sa harap ng camera? Pwede. To think na ito lang ang paraan para subside ang issue na kinaharap nito. After all hindi lahat ng ipinapakita ng mga tao sa showbiz ay totoo na. Tori bit her lower lip as she restrain a tear that is about to fall down from her eyes but she failed. Sunod sunod na pumatak ang kaniyang mga luha. Kung gano'n maaaring may relasyon nga ang lalaki at ang babaeng kahalikan nito? May kasintahan na ang lalaking gusto niya. Why? She should feel happy right? At least kung magkasintahan man ang dalawa she knew that Jude loves the girl and vice versa. She should be happy that her idol finds a woman to love pero imbis na iyon ang maramdaman paninibugho ang nararamdaman niya. Kahit na gusto man niyang maging masaya para sa lalaki. Hindi pa rin niya maiwasang hindi masaktan. "Tori?" Agad na pinahiran ni Tori ang mga luha na pumatak sa kaniyang mga mata nang marinig ang boses ni Cass sa may pintuan. Suminghot siya ng mahina upang hindi mahalata ng babae na umiiyak siya. "Ano 'yon Cas?" Bahagya iniangat ni Tori ang mukha para silipin ito nang marinig niya ang paglapat ng pintuan. Worry plastered over Cass' face as she stares at her. "Pansin ko lang na parang wala ka sa mood kanina nang makabalik ka galing sa pagkuha mo ng drinks. May problema ba?" tanong nito saka lumapit sa kaniyang kama at umupo sa kaniyang tabi. Umiling si Tori bilang sagot. Umayos siya ng upo sa kaniyang kama saka hinarap ang babae. Pagkagulat ang pumalit sa kanina ay pag-aalala sa mukha nito. "Ohmygosh! Umiiyak ka ba Tori?" tutop na saad nito. Hinawakan ng babae ang kaniyang magkabilang balikat upang mas makita siya nito. Mabilis na nag-iwas ng tingin si Tori saka pinahiran ang kaniyang mga mata. Mukhang failed ang plano niyang itago rito ang pag-iyak. Nais niyang murahin ang sarili dahil nahalata pa ng kaibigan ang pagdradrama niya. "Tell me Tori why are you crying?" pangungulit nito. Dumako ang kanang kamay ng kaibigan sa kaniyang baba para magtapat ang kanilang mga mata. Tori kept her stares away. "I'm just sleepy... thats... thats why," pagdadahilan niya. Sinamahan pa niya 'yon ng tawa para makumbinsi ang babae saka marahang inialis ang kamay nitong nakahawak sa kaniyang mukha. Pinagmasdan siya ni Cass ng ilang minuto bago nagbuntong hininga kung kaya naman napatingin siya rito. "Wesley, Cristoff and I were worried about you. Naging sobrang tahimik matapos mong kumuha ng drinks. Kaya naisip namin na baka may problema ka?" she asked. Napakamot si Tori sa kaniyang batok at saka ngumiwi sa kaibigan. "Sorry kung pinag-alala ko kayo. Ok lang naman ako, nothing to worry. Sadyang inaantok lang," sagot niya. Pagkatapos ay naisipan niyang magtanong dito tungkol kay Jude. "Ahm... Cass itatanong ko lang sana kung may alam ka kung kasintahan si Jude?" Tori saw how Cass' eyes widen because of her question. "Saan mo naman napulot ang ideya na 'yan?" gulat na balik tanong nito. She bit her lip pagkatapos ay nag-iwas siya ng tingin sa babae bago sumagot. "W-wala naman. N-naisip ko lang. So, anong sagot? Promise wala akong pagsasabihan." Cass stares at her na para bang tinatantiya kung anong sasabihin sa kaniya but after a several minutes Tori heard her clear her throat. Anticipation started to build inside her chest dahil ibig sabihin lang ng gestures na 'yon ay sasagutin ng kaibigan ang tanong niya. "Wala siyang kasintahan at imposibleng magkaroon, Tori," natatawang saad nito habang umiiling. Tori's brows furrowed at the woman's reaction. "Bakit naman imposible?" tanong niya. Eh anong ibig sabihin nung nakita ko kanina? Lumapit si Cass sa kaniya na akmang may ibubulong kung kaya naman inilapit niya ang tenga niya rito. "Promise me na atin atin lang ito ah," bulong nito. Tumango naman siya. "I just know na imposible kasi for the past years na magkakasama kami. Jude never show any interest to women. Even Jen! 'Yong pinaltan mong PA? Hindi umepekto kay Jude kahit na naghubad na siya sa harapan nito." Napanganga si Tori sa narinig. Hindi siya makapaniwala na may babaeng gagawa ng ganoon sa harap ng isang lalaki. "Anong sabi mo? Jen? Jen ang pangalan ng dating PA ni Jude?" Napakurap siya. Iyong babaeng humalik sa rito? Yung babae na dahilan ng pag-iyak niya? "At saka bakit naman niya gagawin na maghubad sa harapan ni Jude?" Lumayo na si Cass sa kaniya saka napapalatak na tila ba naiinis. "Aba gagawin talaga ng babaeng 'yon ang kahibangan na iyon! Obsess ang babaeng 'yon kay Jude eh. Naghubad pa mismo sa harapan ni Jude ang bruha, akala siguro ay maaakit niya si Jude tapos ng mapahiya at pinatalsik ni Ate Esme. Iyon gumawa na ng issue ang babaknit kaya naman galit na galit sa kaniya si ate at si Addy," pagkwekwento nito. Napaisip si Tori sa mga nalaman. Pilit na dina-digest ng kaniyang utak ang mga sinabi ng babae. Walang interest sa babae ang lalaking minamahal. Ibig sabihin ay hindi ito nagsinungaling ukol sa sinabi nito sa presscon. Muli niyang binalikan ang nakita sa maliit na pasilyo. Yes. She saw the woman's hands envelope around Jude's neck. She also saw the movements paghahalikan ng dalawa but she never saw na gumanti si Jude sa halik ng babae or touched her. For what she remembered both of his hands were on his side. Nakatayo lang ito. So that means may punto ang sinabi ni Cass sa kaniya na wala nga itong interest sa babae. Gustong tampalin ni Tori ang sarili. Kung gano'n pala ay umiyak lang siya sa wala. Ito ang nadudulot sa kaniya ng sobra niyang pag-overthink sa sitwasyon. Kaasar! Naiinis siya sa sarili niya at naiinis din siya sa dating PA Ng idolo. Ngayon alam na niya na ito ang may pakana ng lahat. She clenched her fist. She should not let the woman hurt the special person in her life again. She should take Jude away from that woman ngayong alam niya kung gaano ito ka-obsess sa lalaki. She needs to protect Jude from her. "Ano ba Jude! Hindi ka nga sabi pwedeng umalis! Kami na naman malilintikan ni Ate Esmeralda sa ginagawa mo eh!" Sabay silang napatingin ni Cass sa direksyon ng pinto kung saan nangmumula ang malakas na mga pagsigaw ni Adrian "Am I really deprived to do what I want to do?" Nagkatinginan silang dalawa ni Cass kapagkuwan ay sabay na napatayo sa kama at nagtungo sa pintuan at saka binuksan iyon. Tori see Jude being held by Adrian making him stop ngunit hindi pa rin nahpapigil si Jude at patuloy pa rin ito sa paglalakad patungo sa hagdan. Sa suot nitong black hood jacket at ripped jeans ay mukhang may laka ito. Tori also saw Wesley and the twins who are just watching from the side. Unlike Adrian na stress ang mukha, kalmado ang mga ito at parang walang balak na tulungan man lang ang kaibigan na pigilan ang lalaki. "Jude listen! Kung gusto mo talagang uminom. Ibibili na lang kita sa tindahan," saad ni Adrian sa natatarantang boses. "Anong nangyayari?" tanong ni Cass kay Wesley. Hindi namalayan ni Tori na nakalapit na pala ang lalaki sa kanila. "Gustong uminom mag-isa ni Jude sa bar. Kaya iyon pinipigilan ni Addy baka may makakilala eh at magkagulo," kibit balikat na sagot naman ng lalaki. Tiningnan ni Tori ang lalaking idolo. Bakit naman kaya siya iinom ng mag-isa? Hindi ba't delikado 'yon para sa kaniya? "Bakit naman siya iinom?" "How will I know? Baka namimiss na niya ang lasa ng alak." Hindi na pinansin ni Tori ang kwentuhan ng dalawa sa kaniyang tabi. Naglakad siya sa harapan ni Jude at ni Adrian at saka iniharang ang kaniyang dalawang kamay upang pigilan itong makababa. "You should stay Jude! Masama sa kalusugan mo ang uminom ng alcohol. You should listen to Adrian dahil ikaw lang naman ang iniisip niya," aniya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ng binata. She heard gasped around them dahil sa ginawa niya. Gulat ang mga ito sa ginawa niya. Honestly she was shocked too. It was like a deja vu from the past. Hindi niya alam kung saan niya nakuha ang lakas ng loob para gawin ang pagharang sa idolo but she silently uttered her thanks nang natigil sa pagpasag si Jude sa pagkakahawak sa kaniya ni Adrian. Naging kalmado ito and she felt relieve dahil sa pag-aakalang nawala na ang g**o pero nagkamali siya. She didn't expect the next thing that happens. Jude gave her a dead-pan look enough to make her nervous. All emotions were also washed away from his face. Leaving any emotions. "Stay out of this and stop telling me what's right and what's wrong. You are just a simple PA. Stay away from others business," malamig na tugon nito na nakapagpatigalgal sa kaniya. Hindi siya nakaimik nang lagpasan siya nito at ni Adrian. "Jude!" pagtawag pa rin ni Adrian sa binata. "Okay, kung ayaw mo talagang papigil then let me go with you. We can't risk kung may makilala sayo sa labas na wala ka man lang kasama ni isa sa amin. Let me just take care of yo," usal ng make-up artist. Ni hindi niya kayang lingunin ang pwesto ng mga ito dahil sa tindi ng pagkapahiya sa sarili. "Very well. You may come," rinig niya ani Jude then she heard their footsteps away. Doon lang siya nakahinga ng maluwag. Napapikit siya ng mariin. She even griped tightly at her shorts. Nais niyang kastiguhin ang sarili. Ano bang ginawa mo, Tori! Nang tuluyang makababa ang dalawa ay siya namang lapit sa kaniya ni Cass. Naramdaman niya ang bahagyang paghaplos nito sa kaniyang likuran. "Tori, ok ka lang ba? Pagpasensiyahan mo na si Jude ganun lang talaga ang ugali no'n," saad ni Cass sa kaniya habang inaalo siya. "Wala na talagang pinatawad ang ugali ng lalaking iyon," dinig niyang komento ni Wesley bakas sa boses ang disgusto. She saw him shook his head in dismay. "Kainis talaga 'yang si Jude! Siya na nga inaalala amp. Hayaan mo na siya, Tori." sabad pa ulit ni Cass sa kaniya. "Wag mo na lang dibdibin ang sinabi ni Jude, Victoria," pag-aalo naman sa kaniya ni Cristoff. "Okay lang ako. T-tama naman si Jude. Sino ba ako para pakialaman siya eh PA lang niya ako. S-sige pasok na muna ako sa kwarto," mahinang pagpapaalam niya sa mga ito saka nakayukong pumasok sa loob ng kwarto nila ni Cass. Nang mailapat niya ang pintuan ay dumiretso siya sa kaniyang kama saka humiga. Laking pasalamat na lang niya dahil hindi na siya sinundan pa ni Cass. "Stay out of this and stop telling me what's right and what's wrong. You are just a simple PA. Stay away from others busines." "Stay out of this and stop telling me what's right and what's wrong. You are just a simple PA. Stay away from others business." "Stay out of this and stop telling me what's right and what's wrong. You are just a simple PA. Stay away from others business." Nagpaulit-ulit sa kaniyang isipan ang mga sinabing iyon ni Jude. Isinubsob niya ang kaniyang mukha sa kaniyang unan kapagkuwan ay sumigaw do'n. "Ang tanga mo Victoria! Ano ba kasing pumasok sa kokote mo at ginawa mo iyon? Tingnan mo tuloy ang napala mo!" panenermon niya sa sarili. Paulit-ulit siyang sumigaw at ng mapagod ay tumihaya siya nang higa kapagkuwan ay napakagat labi habang nakatingin sa kisame. Nagsimula na namang mamuo ang kaniyang mga luha. "What happen to you Jude? Hindi na ikaw ang dating kilala ko," mahinang usal niya. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at hinayaan niyang lamunin siya ng dilim at ng nakaraan. "What are you doing here? Its getting late. A lady like should not be in here." "Why are you crying? You should not. Your beautiful eyes doesn't deserve it" "Always be kind to everyone." "You don't have to be alone... live the way you like..." Jude you are the one who told me those things. What happen to you now? NAALIMPUNGATAN si Tori nang maramdaman niya ang pagtunog ng kaniyang kumakalam na tiyan. Kinusot niya ang kaniyang mga mata saka inilibot ang kaniyang paningin sa madilim na paligid. She quickly grabs her cellphone and look at the time. Past 9. Nakatulog na pala ako kanina? Tinapunan niya ng tingin ang katabing kama and she saw Cass peacefully sleeping. Siguro gano'n na lang kahimbing ang pagkakaidlip ko kanina kaya hindi na nila ako ginising ng dinner. Tumayo siya mula sa pagkakahiga kapagkuwan ay lumabas ng silid. Nang bigla niyang naalala ang nangyari kanina. Ang mga sinabi sa kaniya ni Jude. Katahimikan ang naghari sa ikalawang palapag ng bahay na iyon. Tulog na rin marahil ang iba pa niyang mga kasamahan. "Stay out of this and stop telling me what's right and what's wrong. You are just a simple PA. Stay away from others business." Marahas na ipiniling niya ang kaniyang ulo upang alisin ang bagay na 'yon saka napatingin sa katabing silid. Nakauwi na rin kaya sila Jude at Adrian? She touched her stomach when it growls again. She's really hungry. "Meron pa naman sigurong makakain sa ibaba," aniya sa sarili. Mamaya na niya iisipin ang binata sa ngayon ay uunahin na muna niya ang kumakalam na sikmura.Tahimik siyang naglalakad pababa ng hagdan nang may marinig siyang malakas na lagabog mula sa ibaba na siyang ikinatigil niya. May tao sa ibaba? May gising pa pero alas-9 na ah. Kumabog ang kaniyang dibdib sa hindi niya maiplaiwanag na dahilan. Mabilis siyang bumaba ng hagdan. Only to witness a scene that shock her whole system. Natulos siya sa kaniyang kinatatayuan nang makita niya si Jude and Adrian making out on the sofa. Hugging, touching each other's body while kissing. Anong nangyayari rito? B-bakit sila naghahalikan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD