"You mean, friends lang kayo noon? hindi naging kayo? Secret friends lang?" hindi makapaniwala si Carlisle sa sinabi ko na kaibigan ko lang si Cyan. Nandito kami sa bench sa garden. Wala pala silang klase ng mula 10 am dahil mamayang 12 pa ang resume nila. Kaya may time silang interviewhin ako ngayon. Nakasimangot lamang si Cyan sa tabi ko. Napapansin ko naman ang paninitig ni Lowell. Parang may something siya kung makatingin. Babaero daw to sabi ng tropa niya pero hindi naman iyon ang klase ng tingin na ibinibigay niya ngayon. "Tapos ang boyfriend mo ngayon, eh yung kaklase nyo din dati? Yung Taavi? Yung isang tropa din ni Roux?" Si Akio naman ang sumabat. Sa kanilang lahat, tanging ang dalawa lamang ang madaldal. "Well, I don't consider him as my boyfriend anymore." napalabi ako. Paan

