Masyadong marami ang gumugulo sa isipan ko. At ang musika ang isa sa magpapatahimik dito. I used all my strengths. Nagpaka sasa ako sa ginagawa ko. Walang pakialam kung mabali man ang braso ko sa mabigat na pagpalo sa drums. Kung magtungkaban man ang mga balat ng daliri ko sa paggitara. Kung sumabog man ang tenga ko sa lakas ng tugtog. Naligo ako pagbalik ko sa room ko at nag ready na para matulog. Pagod ang katawang lupa ko pero gising na gising ang diwa ko. Mukhang walang tulugan na naman ang magaganap. Well, sanay naman na ako. Kinuha ko ang phone ko at naisipang mag bukas ng main account ko sa i********:. Medyo matagal ko na itong hindi nabubuksan. May isang message ang tumambad sa akin. It was from my cousin Declan. Bigla ko tuloy namiss ang pinsan ko. Medyo matagal na din ang hul

