"Kain ka na Zandara. Ang sarap ng luto nila Manang." Ani ko dito ng hindi tumitingin. Pinapanuod ko ang dalawa na nag rerelax na sa sala. Naramdaman ko naman na tumabi sa akin si Zandara. Nag salin na ito ng pagkain sa plato niya. Inabot ko ang mug upang humigop ng tsaa. Kailangan ko ito dahil napadami ang kain ko. "Kumain na ba kayo?" may kausap ito. Siguro ay bumaba na din ang ibang boys. Wala namang sumagot. "Tara na sabayan nyo na kami. Upo na kayo" Maya maya ay may umupo na sa harapan namin. Dalawa iyon. Humigop akong muli ng tsaa. "Anong nangyari kagabi, Taavi?" Naibuga ko ang tsaa na iniinom ko sa gawi ni Zandara. Napatili naman ito sa gulat. Gulat na tinignan ko ang nakaupo sa harapan namin. Nanlaki ang mga mata ko at bumagsak ang panga ko, literally. Pakiramdam ko ay

