Nang makarating kami sa Bahay nina Aira ay nandoon na ang ibang classmates namin. Naka upo na sila sa mahabang lamesa. Iniwan ko muna si H sa tabi nina Roccel at pumasok ako sa loob. Lahat kami ay nakapag palit na ng mga damit. Mga nakaputi na kami. Nag palit kami kanina sa school. Hindi daw kasi magandang tignan kapag naka pula sa burol. Kaya simpleng white halter top ang suot ko. May furr ito sa ibabaw. Hinanap ko agad si Mama Ara. Nakita ko ito sa kusina at abala sa pagluluto. "Mama Ara magandang tanghali po."pagbati ko dito. Yumakap ako dito panandalian. "Oh Devi. Nandyan na pala kayo. Kumain naba kayo?" tanong nito. Tumango naman ako. "Yes po. Nandito po ang buong Gas1. Kumpleto po kami today. Nasa labas lang po. Magiging magulo na naman dito." natatawang sabi ko. Ito man ay mal

