"Sister" "Sister!" "Uy! gising na sister!" Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Mabigat ito at sumasakit din ang ulo ko. Subalit agad nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Zandara sa harapan ko. Inilibot ko ang aking paningin at puro kadiliman lamang ang nakikita ko. Tanging ang kaibigan ko lang ang malinaw sa paningin ko. "A-anong nangyayari, Zandara?" kinakabahang tanong ko. Bakit nandito kami? At bakit nakahiga ako sa sahig? Ngumiti siya. Iyong ngiti na malungkot at may halong kasiyahan. "Sister, alam mo namang mahal na mahal kita hindi ba?" Tumango ako. Anong meron? Bakit biglang nagdadrama ang baklitang ito? "Mahal na mahal ko kayong tatlong mga fhukerat kayo. You guys are my sisters that I never had. Salamat dahil nakilala at nakasama ko kayo. I am so happy. Sobra

