"Kahit na nabawasan na tayo ng tatlo, pakiramdam ko ay kumpleto pa din tayo. Ito na yata ang pinaka masayang years ng pag aaral ko. Nakakalungkot lang isipin na magkakahiwalay na tayong lahat sa college. Siyempre, sa bulacan ka na mag aaral, sa mamahaling eskwelahan pa. Eh ako sa public lang, kailangan pang mag apply ng scholarship para makapag patuloy. Sana ay wag mo akong kakalimutan VP. Dahil hindi kita makakalimutan pramis yan. Salamat nga din pala dahil binigyan mo ng trabaho ang tatay ko ah, hindi na siya lasenggo ngayon. Matino na siya. Hindi na din niya kami sinasaktan. Ano bang ginawa mo don at biglang nagtino? Pero ganun pa man, salamat sa lahat. Pangako, pagbubutihan ko pa para sa future ay matupad ko ang pangako ko sa inyo na magkakaroon ako ng sariling pabrika ng lollipop at s

