Chapter 4

1980 Words
Devi's POV Tulala lamang ako sa lalaking bagong upo lamang sa tabi ko. Ilang beses pa akong kumurap kurap. Wait, baka namamalikmata lamang ako. Pero teka, naaamoy ko ang sobrang manly na amoy niya! "Hi.." doon na ako nagising sa katotohanan. Taavi Rosario is here! Our class president s***h valedictorian is here right beside me. At malalagot ako kay H kapag nakita niyang katabi ko itong posteng ito! Nalintikan na! Agad akong tumayo at walang pag aalinlangan na umalis. Ni hindi ko na nilingon man lang. Bitbit ko ang buko at mga gamit ko. Halos nanginginig na din ang kamay ko sa kaba. Alam ko namang pinagseselosan ni H si Taavi. Noon pa man ay palagi na niya akong binabawalan na makipag usap dito. Kahit sa klase namin ay iwas ako. Ayokong mag away kami ng bf ko para lang sa kapitbahay namin hano. I sighed. Ilang taon ko na din ginagawa ito. Palagi na lamang umiiwas. Hanggang kailan ba? Dumiretso na lang ako sa kuwarto namin ni Manang para makapahinga. Nawalan na ako ng gana mag libot pa. Para bang naubusan ako ng lakas. Nakakapanlambot. Pagpasok pa lang ay bumungad na sa akin ang natutulog na ginang. Medyo may katandaan na kasi ito. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa late 40's na ito. Mula pagkapanganak kasi sa akin ay siya na ang tagapag alaga ko. May dalawa itong anak na babae din pero nasa probinsya nila kasama ng asawa niya. Pabagsak akong naupo sa single sofa dito sa gilid. Akala ko pa naman ay magagawa namin ang nasa listahan namin. Pero heto, at nakatambay lang ako sa silid. Nakaka boring! Weh, boring ba talaga? Eh bakit mabilis ang t***k ng puso mo? Iwinaksi ko ang aking isipan. Tumigil ka, Devi! May boyfriend ka na! Hindi ka dapat nagkakaganyan sa ibang lalaki. Lalo pa sa taong pinag seselosan ng jowa mo! Minabuti ko na lamang na kuhanin ang aking laptop. Isinalin ko ang mga pictures na galing sa camera at saka sinimulang iedit. Isa ito sa kinahihiligan ko. Bukod sa pag tugtog at pagkanta, mahilig din akong kumuha ng mga litrato. Inabot din ako ng kulang isang oras sa ginagawa ko. Natigil lamang ako ng may kumatok sa pinto. Pinag buksan ito ni Manang at bumungad sa akin ang napaka guwapo kong boyfriend. Malaki ang ngiti na nakapaskil sa mukha nito. Naka bihis na din ito ng green na board shorts may disenyo itong pink na bulaklak at naka sandong puti. Ginantihan ko ito ng ngiti. "Akala ko mag lilibot ka? Tapos ka na?" masuyong tanong nito bago sumiksik sa kinauupuan ko. Umakbay ito sa akin kaya amoy na amoy ko ang mabangong amoy ng kilikili nito. Napa hagikgik ako. Favorite ko talaga ang amoy ng kilikili niya. Mabango iyon. Basta, hindi ko maexplain ang amoy. Basta nakaka halina. "Uhm, lumabas ako kanina nag picture lang at uminom ng buko then bumalik na ako dito para mag edit. Nakaka tamad kapag wala ka" dumantay ako dito. Masarap sa pakiramdam ang init ng katawan nito. Pinakita ko na din sa kaniya ang mga kuha ko. Natuwa din siya dahil magaganda ang mga ito. Napag pasiyahan naming lumabas na para mapanuod ang paglubog ng araw. Itinirintas ko na lamang ang makapal kong buhok, simple 3 strand braid lamang. Makapal kasi ang buhok ko na umaabot hanggang pwet ko. Ayoko kasing nag gugupit ng buhok. Feeling ko si Rapunzel ako, pero ginger hair hindi blonde. Matapos mag retouch ay lumabas na kami. Hawak kamay papunta sa dalampasigan. Inilatag niya ang tela na baon namin para maupuan. Kulay pula ito, my favorite color. Medyo marami ang mga tao na nakaupo din sa puting buhangin. Kapwa hinihintay na lumubog ang araw. Medyo maingay pero mas malakas pa din ang t***k ng puso ko na nagsasabing mahal na mahal ko ang lalaking katabi ko. "Every sunset is an opportunity to reset. It is nature's gentle reminder of life's transitions. Devi, I want to watch every sunset with you, for each one is as beautiful as our love." he said while we're looking at the sun making its way our of our eyes. I felt that. I would love that too. Who would have thought na ang magbest friend na Devi at Hervi ay magkakagustuhan? And in the future, we will be one. Palagi naming pinag uusapan ang mga plano namin sa buhay. Ang aming mga pangarap, lahat ng mga gusto naming maachieve. We promised to support each other. Na walang iwanan, palagi lang nandyan para sa isat-isa. Parehas kami ng mga kinakahiligan at nagugustuhan, same birthday din. We are destined to each other. Palagi kaming magkasundo at hindi tumatagal ng isang araw kapag nagkakaaway man. Palaging may nagpapakumbaba. Perfect kumbaga. I don't want it to end. Masaya na ako sa ganito, masaya kami. "I love you, Hervi." Nag kuwentuhan pa kami doon at nag kulitan hanggang sa mag dilim. It was magical. Nag picturan din kami at inupload namin iyon sa social media accounts namin. As usual, madami ang naka abang sa mga ganap namin sa buhay. "What do you want to eat?" tanong ni H. Nandito kami ngayon sa isang sikat na seafood restau malapit sa resort namin. Ito talaga ang dinayo namin kaya sa bataan namin naisipan na mag bakasyon. It's dinner time, maganda ang ambiance ng place. Open area din ito at puro fairy lights and plants. Nakaka relax. "I want the cheesy grilled lobster and a seafood marinara please." I answered. May waiter na nasa harapan namin at isinulat agad ang order ko. "What about your drinks po?" anito. Hmm... tinignan ko ang available beverages. "Do you have cucumber shake po?" I asked. Tumango naman ito. "Okay isa non kuya."nag lista ulit ito. "Sa akin ay isang Honey Soy Salmon with broccoli on the side. Brown rice please. And sparkling water." si Hervi. Matapos ilista ay umalis na din ang waiter. Inilibot ko ang aking paningin sa kapaligiran. May mangilan ngilang tao na kumakain. May iba na nakatambay lang sa labas ng restau. Marami din ang palakad lakad sa dalampasigan kahit may kadiliman na. Dinig ang malakas na pag alon ng tubig dagat, maging ang tugtog sa mga bar na malapit sa area na kinaroroonan namin. Since we're only 16, we can't go to that place. Okay lang dahil wala naman sa itinerary namin yon. Saka naman kami pupunta sa ganoong lugar kapag nasa legal age na kami. Lumipas ang 15 minutes at dumating na ang order namin. I was so happy dahil napaka bango ng lobster! Of course hindi mawawala ang picture taking bago kumain. Naka gawian na namin ito. Nakaka ilang photo album na din kami na napupuno ng pictures namin. But worth it naman. Sobrang sarap balikan ng mga pictures namin. Mabilis kong naubos ang pagkain ko dahil nagutom ako kanina. Hindi na rin kasi kami nakapag miryenda dahil nga nag diretso ang tulog namin sa biyahe. But the food is delectable! Bukas ay dito ulit kami mag didinner and naexcite agad ako for that. It was amazing! Nagpahinga lamang kami ng ilang minuto habang nag kukwentuhan. Bilib nga ako sa amin eh, for 16 years na magkakilala kami at magkasama palagi, hindi naman kami nauubusan ng pinag uusapan. Palaging marami kaming baon. Naisipan naming pumunta sa dulong bahagi ng resort. Mayroon kasi doong open mic session. Isa itong maliit na cafe pero open area at madami ang nakatambay. It's so relaxing. Pwedi ka din kumanta at tumugtog. "Kanta tayo?" excited na pag aya ko sa kaniya. Nakakaramdam ako ng kaunting kaba pero lamang ang pagka excite. Sanay naman kaming mag perform sa madaming tao dahil sa tuwing may event sa school na pinag aralan namin ay palagi kaming tumugtog. "G. Anong kanta?" naupo na muna kami sa isang malaking bean bag. "Ano ba maganda? Pang acoustic guitar lang ba or lahatan?" Hindi naman sa pagmamalaki pero kaya naming tumugtog gamit ang kahit anong instrumento. Hindi ako magiging best in Music kung hindi ako magaling ah! "Siguro pang acoustic lang muna. Chill lang ang place eh." napatango ako sa sagot niya. Tama naman. Malumanay lang ang tumutugtog. Ayoko namang maging bida bida para tumugtog ng bongga dito no. "More than words na lang. Gaya ng cover natin last year." I suggested. Last year kasi ay may video kami na inupload sa YT ko. It was our cover of More than Words by Extreme. "Yeah yun na lang. Pag tapos ng kumakanta saka nalang tayo lumapit." anito. And ganon na nga ang nangyari. Nang makatapos ang kumakanta na isang lalaki ay nag tanong ang host kung may gusto bang mag perform. Nag taas na lang agad kami ng kamay. Papalapit pa lang kami ay nagpapalakpakan na ang mga tao. Some of them ay may hawak pang cellphone, nag vivideo siguro. Hindi ano nakakaramdam ng kaba. Akala ko ay kakabahan ako pero hindi. Kahit noong naka upo na kami sa stage. Si H na ang may hawak ng acoustic guitar. May tig isa kaming mic na nasa stand. Naka upo kami sa puting bar stool . "Hello everyone. I'm Devi, and the handsome man right beside me is my boyfriend, Hervi. Sana ay magustuhan nyo ang kakantahin namin." I stated. Nag palakpakan ulit ang mga nanunuod. Punong puno ng saya ang aking puso. Sana lang ay wag akong pumiyok o mawala sa tono. Sa tagal naming kinakanta ito ay wag sanang pumalpak. Live pa naman. Nakakahiya kapag magkamali ako. Hawak ko ang cellphone ko na may lyrics ang screen. If ever lang na makalimutan ko eh madali kong matitignan diba. Nag umpisa na mag tipa ng gitara si H. Pinapanuod ko siya habang nakatingin siya sa ginagawa niya. "Saying "I love you" Is not the words I want to hear from you It's not that I want you Not to say but if you only knew" Oh thank God at naging smooth ang pagkanta ko. Damang dama ko pa naman ang kanta dahil mahal na mahal ko ang lalaking kasama ko ngayon sa stage. "How easy, it would be to show me how you feel More than words is all you have to do to make it real Then you wouldn't have to say that you love me 'Cause I'd already know" This time ay nag second voice na si H. Magkasugpong lamang ang aming mga mata habang kumakanta. Parehas kakikitaan ng pagmamahal. Sa murang edad ay hindi ko alam na ganito pala kasaya ang may karelasyon. Napansin kong medyo dumarami ang dumadating na tao dito sa cafe. Maging ang mga dumadaan ay napapahinto at nakikinig. Kung pakikinggan kasi kami, nag beblend ng maayos ang boses namin. Alam naming laruan ang bawat nota, at isa sa mga sikreto ng magandang pagkanta ay dahil puno ito ng pagmamahal. "What would you do If my heart was torn in two? More than words to show you feel That your love for me is real What would you say If I took those words away? Then you couldn't make things new Just by saying "I love you"" It's like, ako ang lead singer at second voice lang palagi si H. Hindi naman kasi pang duet itong kanta. Pero masarap pakinggan since ito ang isa sa paborito namin. "Now that I've tried to Talk to you and make you understand All you have to do is close your eyes And just reach out your hands and touch me" For us, may deeper meaning ang kantang ito. Saying "I love you" was becoming meaningless this days. People often use it so easily and they think na kapag sinasabi mo ang phrase na iyon ay masusulusyunan na agad lahat ng problema. But it's not. Sometimes you have to do more, and you have to show it. There's always other ways to say "I love you". Lalo na sa mga kabataan ngayon. Yung mga mapupusok na masabihan lang ng "I love you" ay bumibigay na. Grow up people!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD