Chapter 6

1113 Words
"Pinabuksan ko muna ang mga ilaw para maging maganda ang picture mo. Ipapa off ko nalang later pag katapos." kiming sabi nito. Natuwa naman ako. Oo nga pala at may access ito dahil sila ang may ari ng resort. Kinapalan ko nalang tuloy ang mukha ko. Nag punta ako sa area na gusto kong background. May alam ako sa pag poposing kaya basic na lamang sa akin kung ano ang nababagay sa akin. I know my body. Nawala ang awkwardness sa pagitan namin. Panay pa nga ang tawa namin dahil nag bibitaw siya ng mga jokes na simple pero nakakatawa. Kinuha ko ang cellphone ko at ipinakita sa kaniya ang pose na gusto ko. Napa titig naman siya doon. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya pero nakita ko ang pag kunot ng noo niya. Saglit lang iyon , nawala din agad. Nagulat ako ng abutan niya ako ng Rosas. Pinitas niya iyon sa gilid. "Ayan hawakan mo mas bagay sa pose mo yan." simpleng sabi niya. Tinanggap ko na lamang ang isang pirasong bulaklak. Lumublob ulit ako sa jacuzzi. Ipinatong ko sa gilid ang ang siko. At saka ako lumiyad para maexpose ang aking butt. May maipagmamalaki kasi ako dyan, gawang gym kaya yan. Hawak ko ang isang bulaklak sa aking kamay. Ngumiti ako paharap kay Taavi subalit bigla itong umalis. Tatayo na sana ako ng nagmamadali itong bumalik. May bitbit na itong isang bulaklak ng pulang gumamela. Nagulat ako ng bigla itong lumapit at inilagay sa gilid ng tenga ko ang hawak nito. Naestatwa ako kaya hindi agad ako naka react. Kaya ng pumwesto siya sa gilid ko at sinimulan akong kuhanan ng picture ay tulala lang ako. "Smile" nabalik ako sa reyalidad ng mag salita siya. Wala na akong nagawa kung hindi ang ngumiti na lamang. May iba din akong kuha na pierced look at may ibang seductive. "Ayos ah! Ganda ng angle oh" napatawa ako ng makita ang mga kuha niya. Hindi maipagkakaila, maganda nga. Nakuha niya yung mga angle na gusto ko. Lalo tuloy ako naging mukhang matangkad. "I actually love taking pictures. I was inspired by someone kaya nag aral ako." "Taray.. naol inspired " sagot ko na lamang. Wala akong maisip na isagot eh. Napatawa naman siya. Nalibot yata namin ang buong resort. Dapat ay sa area lang ng jacuzzi kaya lang ay madami siyang sinuggest na area kaya ayun inabot kami ng ilang oras. Nalibang din naman ako kaya hindi ko napansin na 11:34 na pala. Hindi ko man nasulit yung jacuzzi, nag enjoy naman ako sa pag pose. Nag paalam na ako sa kaniya na babalik na ako sa room ko. Sinabi ko na lamang din na wag ipapaalam sa iba na siya ang naging photographer ko dahil baka maissue kami. Dinelete ko na lang din yung story ko kanina. Baka makita pa ni H tapos mag taka kung sino ang naging photographer ko. Dahan dahan akong pumasok sa room. Tulog na kasi si Manang kaya dumiretso na ako sa CR para maligo. Nag blower na din ako at nag skincare. Madami kaming gagawin bukas. Sana lang ay walang maging problema. Nang gabing iyon, nakatulog ako ng may malaking ngiti sa labi. **** "Bilisan mo, Devi." kinalampag ni H ang pinto ng CR. Na late kasi ako ng gising kaya naiinis siya. May usapan pa naman kaming 8 am ang breakfast namin. Eto nga at naliligo pa lang ako. "Oo wait lang. Patapos na!" sigaw ko hanang binoblower ang buhok. Ayoko namang basang sisiw ang hitsura ko mamaya. Nakapag make up na ako kaya buhok na lang ang problema. Naka suot ako ng two piece crochet halter top, may partner iyon na mini skirt. Color cream ang suot ko at may pamalit ako na katulad nito pero kulay pula. May raffles ang skirt kaya may magandang accent ang suot ko. Naka clip toe strappy sandals lang din ako na color white. Ang undies ko ay color white na two piece swimsuit. Simpleng high waist panty lamang iyon at halter neck bra. Bahagya ko lang tinuyo ang buhok ko dahil plano kong ibraid ito. Mahaba kasi at mahihirapan ako kapag naka lugay lang. Isang malaking side braid ang ginawa ko para mabilis. Umabot ito hanggang sa bewang ko. Medyo mabigat oo pero okay lang. Ginusto ko naman ito kaya kailangan kong panagutan. Lumabas na ako ng CR ng makuntento ako sa hitsura ko. 'No make up' make up look ang ginawa ko. Bagay sa akin ang favorite kong Toast of New York na matte lipstick ng EB kaya iyon ang gamit ko. Nasa tote bag ko na din yon. Lumabas na ako ng kuwarto at nandoon na si Hervi at nag hihintay. Nauna na kasing kumain sina Manang Gella at Manong Isko. Kaya kami na lamang ang pupunta. Mabuti at hanggang 10 am ang free breakfast. Kumapit ako sa braso ni H habang pababa kami papunta sa Dining Area. Naamoy ko kaagad ang mabangong Daing na Isda, kumalam tuloy ang sikmura ko. Kumuha lamang kami ng pagkain at naupo na. Sa plato ko ay may daing, tocino, kimchi fried rice, scrambled egg at Hungarian sausage. Kumuha lang din ako ng cucumber juice at water. Si Hervi naman ay kaunting Fried Rice, Boiled veggies saka boiled egg. Black coffee ang drinks niya saka water. Sa aming dalawa ay ako talaga ang malakas kumain. Kaya mas may laman ako sa kaniya. Nasa healthy living naman si H. Hindi naman niya ako pinagbabawalan sa pagkain kaya maganda ang samahan namin. Nang makatapos kumain ay pumunta na kami sa daungan ng bangka. Island Hopping kasi ang gagawin namin buong araw. Pupunta kami sa ibat ibang karatig na isla at mga tourist spots. Mabuti at dala ko ang Prada Scultoreo Sunglasses ko kaya hindi ako nasisilaw. Suot din ni H ang regalo kong Prada Sunglasses. Rectangular ang shape nung kanya. Tinulungan pa niya akong makaakyat sa boat. Pumwesto kami sa medyo unahan para maganda ang pwesto. Nag datingan din naman ang makakasabay namin dito sa boat. 12 daw ang sakay nito, tapos tatlo naman ang magaasikaso sa amin. Binilang ko ang mga kasama at kulang na lamang ng isa. More on mga foreigners ang kasama namin. Magaganda ang mga kutis ng mga ito, kagaya ng sa akin. Yung iba ay naka tan ang skin, isa sa gusto ko sanang gawin pero ayaw akong payagan ni Dada. Dapat daw ay maappreciate ko ang balat ko dahil namana ko daw iyon sa aking mother. "Ayan na pala si Sir. Mag ready na po tayo at aalis na." napatingin kami sa bangkero. Sinundan ko ang tinitignan nito at naestatwa ako sa aking nakita. Walangya naman oh! Pati ba naman dito?! --------------------- RHEASEA
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD