"Hey Fuckers! Paano nyo nalaman ang bahay ko?" nakangisi ako ng lumapit sa kanila kahit iika ika. Nagliwanag ang mga mukha nila at tinawanan muna ako habang pinapanuod akong maglakad. "Akala namin burol na ang pupuntahan namin, lumalamyierda pa pala!" sa lakas ng boses ni Benj ay alam kong rinig ito ng kapitbahay. Nag tahulan ang mga aso ng kapitbahay kaya inaya ko na agad sila sa loob ng bahay. "Gago!" pagtawa ko. Maging sila ay nag tawanan lang. Pinaupo ko kaagad sila sa couch, buti na nalinis agad ni manang ang sala. Tuwang tuwa sila ng maabutan ang dalawang anak kong tulog sa carpet. Agad tumabi si Cosmo sa kanila at naki selfie pa. "Eto pala sila Babe at Baby?Ang bango!" inamoy pa ni Cosmo ang dalawa. Tumango lang ako. Nakita ko si manang na nakangiwing pinapanuod kami. Binibilang

