"Gusto mo?" Binalingan ko ng tingin ang katabi ko na humahalimuyak at amoy strawberry. Ngumunguya ito habang nakatingin sa akin kaya kitang kita ko ang pag galaw ng matambok at makinis nitong pisngi. Ang makipot na labi na kulay pula ay mamasa masa dahil sa kinakain nito. Nang ibaba ko ang aking paningin sa hawak nito ay nanlaki ang mga mata ko. This girl brought a f*****g charcuterie board! The heck?! Umawang ang bibig ko dahil sa gulat. Pano ba naman, punong puno ang bilog na baunan nito ng sandamakmak na pagkain. Pinaghalong mga slices ng karne, prutas, cheese, nuts at sweets! My gosh! Ito ang kauna unahang beses kong makasalamuha ng kaklase na nagbabaon ng platter kahit may klase. "Gusto mo ba? Malinis yan. Gawa ni Papi kaninang umaga lang." aniya sa maliit at inosenteng boses. Sa

