Napalingon ako sa sumagot. Si Kamangga— este si Raisen pala. "Alam naman natin na sa mundo natin ngayon ay halos pera na ang nagpapaikot ng mundo. Hindi totoo na money can't buy happiness. Maging praktikal tayo. Kapag may pera ka, magiging masaya ka. Mabibili mo lahat ng gusto mo, mapupuntahan mo ang lugar na gusto mong puntahan. Sa case ko, gusto kong maging alipin ng pera. Ito ang purpose ko. Gagawin ko ang lahat para kumita ng pera. Dahil kapag may pera, mababago ko ang buhay na mayroon kami. Iyan ang purpose na hindi ko ikakahiya." nakangiti nitong sagot. "Baka si Ka-mangga yan!" sigaw ni Arnel na ikinatawa namin. Bilib ako sa mga kaklase ko. "My purpose in life is to attain Enlightenment. It is the same for all of us whether we realize it or not. We are not meant to suffer but

