Inabot ko ang coffee in can sa lamesita at marahang ininom ito. Patuloy lamang si Taavi sa pagsuklay ng buhok ko. "Why are you here?" Pagbasag ko sa katahimikan naming dalawa. Komportable naman ako sa presensya niya, pero aminado akong inis pa din ako sa lalaki. Hindi ko pa din nakakalimutan ang pakikipag flirt nito sa ibang babae. Nahinto ang kaniyang kamay sa ginagawa. Nakatingin lamang ako sa TV habang hinihintay siyang sumagot. "I wanted to see you. It's been 3 days and I can't take it anymore. Nag alala din ako ng sabihin ni Kuya Dante na malungkot ka daw kaya napagpasiyahan kong sadyain ka na dito. Why are you sad, Devi? And why are crying?" Pumunta ito sa harapan ko matapos magsalita. Napakurap-kurap ako ng mata. Should I tell him? Well, wala din namang mangyayari kung hindi

