Kaya lang ay nagising ako na puro puti ang nakikita ko. Umirap ako. Ano ba naman yan, akala ko naman okay na! Tsk! "Devi! Oh God! Thank God you are awake!" napangiwi ako ng binalot ako ng yakap ni Taavi. Sumunod din si Mikael na lumapit. Kapwa nag aalala ang mukha ng mga ito. Napansin ko din na medyo basa ang katawan at buhok ni Taavi. Naligo ba siya sa ulan? "Kaloka! Pinakaba mo kami, shutaness ka talaga! Ano ba talaga ang nangyari at bakit ka naaksidente mag isa?" si Miks. Umirap pa ito pero tinignan naman ng malapitan ang mga galos ko. Sa pagkakaalala ko, nabutas ang slacks ko nung dumausdos ako at gumulong gulong. Hindi ako naka full gear dahil naka uniform ako kaya nabutasan din ang leather jacket ko at nasira ang black shoes ko. Mabuti at matibay ang helmet ko kaya hindi ko inind

