"Walang aawat." harang ni Jasper kay Trigger na tatakbo na sana para awatin si Jigger at Jupiter. "Baka malumpo ni Jupiter si Jigs." ani Cloud habang naka pamulsa na na nonood habang nag ssparing na si Jigger at Jupiter sa parking. Kadarating lang nila Jasper sa favourite bar nilang magkakaibigan ng makita nilang pasakay ng motor nito si Jupiter pero bigla itong pinigilan ni Jigger sa braso at sapilitan na hinihila at pinasasakay sa kotse nito pero biglang lumipad ang kamao ni Jupiter na mabilis nanaman na nasalag ni Jigger. Ngunit sa huli pumatol na din si Jigger kay Jupiter pero kitang-kita na dehado ang laban at pinag lalaruan na lang ni Jupiter si Jigger. Na gulapay na sa sahig pero pinipilit pa rin tumayo. "Kuya Jas, baka tuluyan ni Jupiter si Kuya Jigs." ani Trigger. "Bakit wala

