Pinag mamasdan ni Jigger si Kinsley mula sa glasswall ng office n'ya, habang tinuturuan ito ng assistant n'ya sa mga gagawin nito habang nag tatrabaho ito sa kanya. Mukha naman nakikinig ito sa turo ni Geron. Mabilis na ibinalik n'ya ang paningin sa harapan ng computer n'ya ng biglang tumingin si Kinsley sa gawi n'ya. Nakaharap kasi ang mesa nito sa gawi n'ya habang nakatalikod naman sa gawi n'ya si Geron na katapat naman ng mesa ni Kinsley. Parang bigla parang gusto na n'yang mag sisi kung bakit n'ya ito binigyan ng trabaho, s'ya tuloy ng hindi makapag concentrate kanina pa nakaharap sa computer n'ya pero hanggang ngayon wala pa s'yang natatrabaho. Bigla s'yang napatayo ng makita ang pag dating ni Trigger sa labas kasama si Jupiter. Ano nanaman kaya ang kailangan ng dalawa na ito at man

