Inis na dinorowingan ni Kinsley ang picture ni Jigger sa isang magazine na kasama nito ang mga kapatid sa isang cover magazine, featuring most influential bachelor in town. Quadroplets ang apat na lalaki pero mag kakaiba ang mukha ngunit kahit papaano naman malaki ang pag kakahawig ng mga ito sa isa't-isa. Mag kakaiba nga lang ng datingan malalakas ang aura, si Jasper at Jansen mga mukha strikto at parang laging galit para bang nakakatakot i approach masyadong intimidating. Si Jigger naman halata ang pagiging mabait at charming na para bang ang dali nitong lapitan habang si Trigger naman masayang kasama puro kalokohan ang alam lagi kang mapapatawa nito pero kapag nag seryoso naman nakaka impress. Mag kakaiba ang personality ng quadroplets may kanya kanyang identity ang mga ito na hindi mo

