Hindi nagpakita sa kanya si Raymond kinabukasan. Nagtext ito na bumiyahe ito papuntang Davao dahil sa bagong project. Hindi rin daw nito alam kung kailan ito makakabalik. After ng text na iyon ay hindi ito nagpaparamdam kung hindi pa siya nagti-text dito. Minsan ay sinubukan niyang tumawag pero hindi nito sinagot. Umabot ng dalawang linggo na naging ganun. Hanggang sa tumawag ito isang araw at sinabing kararating lang nito galing Davao. Gusto nitong magkita sila. Hapon nang sunduin siya nito. Dinala siya nito sa isang coffee shop dahil sinabi nyang busog pa siya. Hindi ito masyadong umiimik. Saka lang ito nagsalita nang nasa loob na sila. " I don't think it will work between us," seryosong sabi nito. Nabigla siya sa narinig. Napagpasyahan pa naman nyang pag-aralang mahalin ito at buhus

