Tinatapos nya na lang ang isang painting nang tawagan siya ng receptionist sa phone sa loob ng art room nya. " Miss Leigh, andito na po iyong client na ni refer ni Mr. Vasquez." " Okay, papasukin mo na." Tiningnan nya ang oras. Alas diyes na ng umaga. Tumayo na siya para batiin ang kliyente. Nakarinig siya nang mahinang katok saka bumukas ang pinto. " Sir, pasok na po kayo," narinig nyang sabi ng receptionist. Nakita nya nang parang nagpapa-cute pa ang babae sa kausap. "Salamat, Liz," sabi nya dito bago ito umalis. Itinabi nya ang painting na tinatapos saka pinalitan iyon ng bago at blangko para sa bagong kliyente. " Good Morning," naka-ready na ang ngiti nya nang makita si Riley na isinara na ang pinto at ni-lock iyon. Nawala ang ngiti nya at napalitan ng pagtataka. " Bakit ka n

