Nang mahimasmasan ay hindi muna siya pinagpaliwanag ng ina kung ano ang nangyari. Hinayaan na muna siya nitong makapagpahinga. Hindi rin naman siya nakapagpahinga. Andaming gumugulo sa isip nya sumabay pa ang hindi nawawalang kirot sa dibdib. Nakahiga siya sa kama at nakatingin lang sa kisame. Unti-unti na namang umagos ang mga luha nya, hinayaan nya na lang din iyon. Walang Riley na tumawag o nagtext sa kanya. Ni hindi siya nito hinanap. Galit at pagkaawa sa sarili ang nararamdaman nya nang mga panahong iyon pero alam din nya na isang tawag o text lang ni Riley na magsasabing siya ang pinaniniwalaan nito ay tiyak nyang maglalaho agad na parang bula ang mga hinanakit nya dito. Maghahating-gabi na pero hindi pa rin tumunog ang phone nya. Nakatulugan na din nya ang pag-iyak. Pumasok pa rin

