Sinundo siya nito sa trabaho kinahapunan. Nagulat pa siya nang madatnan itong naghihintay sa labas. Kumain muna sila sa labas bago umuwi ng bahay. Pinauwi na daw nito nang maaga si Manang Elba dahil hindi na nito pinagluto ng dinner ang matanda. Asikasong-asikaso siya nito habang kumakain sila sa isang mamahaling restaurant. Nagtataka man ay hindi na rin siya nagtanong pa. Habang kumakain ay panay ang kwento nito nang tungkol sa trabaho at kinukumusta naman ang trabaho nya sa museum. Nagtanong din ito tungkol sa binabayaran nyang lote para sa pagtatayuan nyang studio. Sinasagot nya naman ito nang maayos dahil parang maganda ang araw nito. Ni hindi na nya nakikitang nagsasalubong ang kilay nito, di gaya ng mga nagdaang araw. Napansin din nyang hindi na ito sumisilip sa phone nito. Hindi na

