EPISODE 3 :

432 Words
"Emily! Wake up!!!" Rinig kong sabi ni kieth. "hmmmm, 5 minutes more please" Hinila niya kumot ko , hinila ko naman ulit . "Anong 5 minutes ?! Late na tayo bruhaa !!" Sigaw niya sakin kaya napatayo ako at dumeritso sa banyo. Dito na ako naghubad , nakaka trauma boses ni bakla . Pagkatapos kung maligo ay nagbihis na ako at bumaba . "Good morning Bessy" Bati niya sakin . pagkatapos naming kumain ,Agad kaming umalis sa condo . pumunta muna kami sa paradahan ng mga jeepney .Siksikan na naman! kami lang ata ang mayaman na naka jeepney lang haha "Bess , iniStalk ko si Samuel hihi infairness di pa sya naghanap ng ipapalit sayo" Kwento niya sakin . "Tse , pake ko?" Kinuha ko phone ko tsaka chineck f*******: and i********: ko . Wala paring pinagbago . "Hindi bagay sayo ang feeling naka'move on Haha if I know chinecheck mo profile niya everyday " Dagdag pa niya. Aalis na sana tong jeep ng biglang may sumigaw .Tinignan sya halos ng pasahero kaya nakitingin na rin ako. Oh my ghaaadd ! Si Russell ulit? Sobrang lakas ng tubik ng puso ko, kulang nalang sumabog o di kaya marinig ng mga tao dito. "sorry po" Sabi niya , tsaka umupo sa harapan ko . Bat di'ko na familiar boses niya? Hayyss nakakamiss talaga sya , bakit mo'ba kase ako iniwan ? "Bessy , baka matunaw" Bulong sakin ni kieth , sinamaan ko lang sya ng tingin . Huminto na yung jeep sa tapat ng school namin . "Bessy ,yung uniform ni Russell same satin , oh my ghaad ! So it means dito din sya mag-aaral ? " Excited na saad niya, Oo nga noh? Kitang-kita ko pa likod niya habang naglalakad sya . "Bess ,baka mapanis yang laway mo di'ka nagsasalita" Biro sakin ni kieth. "Hahaha , sorry " Yan lang ang nasagot ko,andaming katanungan sa isipan ko . Bakit sya lumipat ? Bakit lagi kaming nagtatagpo ? (lage? hahaha masyado kang assumera emily! malamang magtatagpo talaga landas niyo sobrang liit ng mundo!) Oh tadhana ? Bakit ? Bakit kami ang napiling paglaruan mo ?! Dahil sayo di ako makapag move on ! Kasalanan mo'to ! *Blaagsss* "Aray ! ang sakit ng noo ko" Sobrang sakit !!! kayo ba naman mabunggo sa poste! Ayan ang tanga mo kase!! "Hala bess? Are you okay?" Feeling concern tong bakla ! Halata namang natatawa. "May ok bang nabunggo sa poste?! Sige nga sabihin mo sakin ? Ba't di mo Sinabing may poste ha?" "Hahahaha, sorry Bessy may katalk kase ako sa phone eh , Anyare ba sayo ? Ba't wala ka sa sarili mo ? Dahil ba Kay Russell ?" Tanong niya sabay himas sa noo ko , may bukol tuloy ako!! Andami kaseng tumatakbo sa isip ko, sa sobrang dami diko na namalayan na mabubugo ko yung poste!! TANGAAAAAA!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD