NAHARA'S POV: Marami pang text ang pumasok, pati ang tawag niya. Pero kinancel ko lang iyon. Hindi ko sinagot si Sullivan. Hanggang ngayon ay naiinis parin ako sa kan'ya. Bata pala ha! Manigas siya ngayon! Hanapin niya ako, kung kaya niya! Itinago ko ang cellphone ko sa loob ng kwarto. Pagkatapos ay muling lumabas ng silid upang makipagbonding sa mga kasama ko. Kami pa lang mga babae ang narito, dahil ang iba ay may mga klase pa. Si Caeden naman ay may inaayos pa raw, kaya male-late sa pagpunta. "Sobrang sexy mo naman, Nahara! Para kang Goddess of water!" Sambit ni Wanita sa akin nang makalapit ako sa kan'ya. Kinagat ko ang labi ko, bago tumawa sa sinabi niya. Kung alam niya lang kung ano talaga ang pagkatao ko, ewan ko lang kung lapitan pa nila ako. "Oo nga, para ngang naggo-glow

