Nahara's POV:
"What the f**k are you doing?" Tanong ni Sullivan sa akin.
Kumunot ang noo ko, habang nakatitig sa kan'ya.
The last time na nagkita kami ay hindi niya ako kinakausap. Hindi ko mainitindihan sa kan'ya kung anong dapat kong gawin. Siguro'y nagsasawa na siya na makasama ako. Kaya naman kahit labag sa loob ko na hindi siya makasalo sa dinner ay tiniis ko.
Napapansin ko na 'yun na madalas uminit ang ulo niya sa tuwing magdi-dinner kami. Kaya naman nagdesisyon ako na sumasama na lang sa mga ka-block ko.
Mahirap makasama ang taong ayaw ka makasama, kaya naman hindi ko na pipilitin pa.
Ngayon namang na andito ako, nagsasaya kasama ng mga ka-block ko ay para naman siyang asungot ngayon na susunod-sunod sa akin.
Ang mga ka-block ko ay nauna na sa akin, nang makita nila na may kasama ako.
"Doon lang kami ha," sambit ni Maribel habang nakaturo sa loob ng restaurant, na agaran kong tinanguan.
"What?" Sambit ko na naiinis na rin.
Akala niya ba siya lang ang marunong mag-inarte?
Paano niya kaya kami nasundan dito sa restaurant.
Muli na sana akong maglalakad palayo sa kan'ya, pero mabilis niyang nahigit ang aking kamay.
"Sasama ka sa akin, sa ayaw o sa gusto mo!" Otorisado niyang sabi.
Wala akong nagawa kung 'di ang sumunod sa kan'ya.
Sino pa bang makakatakas, e hawak-hawak niya na ang palapulsuhan ko. Sobrang higpit ng pagkakahawak niya na tila ba ay makakawala ako, kapag niluwagan niya ang pagkapit sa akin.
Agad niyang pinatunog ang sasakyan niya at pinapasok ako sa shotgun seat nang buksan niya iyon.
Sinundan ko pa siya ng tingin nang umikot siya at patakbong nagtungo sa driver seat.
He may be in his thirties, but he looks young and fresh. It’s like he gets better with each year, not older. His youthful energy is infectious and shows that age is just a number.
Sobrang gwapo niya, kaya nagtataka ako kung bakit hanggang ngayon ay wala pa siyang girlfriend.
Usually kasi kapag mga gwapo, habulin ng babae, kaya naman kadalasan sa kanila ay puro mga babaero. Pero si Sullivan, ni wala akong nakikita na sinasama niya sa bahay.
Bakla kaya siya? Akitin ko kaya? Patulan kaya ako nito?
"What are you thinking?" Nakakunot-noo niyang sabi, habang nagsisimula nang mag-drive.
"Nothing!" tsismoso din 'to. Pati ba naman iniisip ko, gusto alamin.
"Saan mo gusto kumain?" Tanong niya, na parang walang nangyari na hindi niya ako inalis roon sa mga kaklase ko.
"Kahit saan na lang," sagot ko, bago muling tinitigan ang gilid ng mukha niya.
Tumango lang siya at seryosong nag-drive na lamang.
He has an oval-shaped face with prominent cheekbones that stand out. His forehead and jawline are a bit narrower compared to his cheekbones, and both have a rounded quality to them. His jawline gently curves. He has grey eyes. His features have a classic look of handsomeness.
He's really so gwapo. Kamukhang-kamukha niya nga si Dean Winchester, isang bidang actor sa series ng supurnatural. Pati ang katawanan niya ay halos kaparehero din ng actor na iyon.
Kaya nakakapagtaka talaga na wala siyang napupusuang babae.
"Malapit lang naman ang bahay ko sa pinapasukan mong eskwelahan, bakit hindi ka na lang sa bahay manuluyan?" Seryoso niyang tanong.
Kasalukuyan kasi akong nagdo-dorm sa 5th of september mansion sa labas lamang ng UPLB.
Kung sa bahay niya nga naman ako tutuloy ay wala na akong gagastusin pa.
Kaso parang nakakahiya din tumuloy sa bahay niya. Baka mamaya masaksihan ko ang pagdadala ng babae niya, mamaya ma-broken hearted ako ng 'di oras.
"Huh? Anong malapit? Ang layo kaya ng bahay mo, 'yung dorm ko sobrang lapit lang sa University na p'wede ko ngang lakarain, e." Nakataas kilay kong sabi.
"Problema ba 'yon? Ihahatid na lamang kita tuwing papasok at susunduin naman kapag pauwi ka na," tumaas ulit ang kilay ko sa gusto niyang mangyari.
"Bakit naman gusto mo akong tumira sa'yo?"
Humalukipkip ako, habang kuryosong nakatingin sa kan'ya. Pinagmamasdan ang bawat kibot ng labi niyang mapula.
Gosh! Crush ko talaga siya, e noon pa. Simula noong nakita ko siya sa airport.
I was really young back then, but I surely know that I do have a crush on him.
"Hmm... para makatipid," sambit niya na tumango-tango pa, sabay kagat ng kan'yang labi.
"Magpapaalam ako kay Mama," sambit ko sabay tingin sa kan'ya.
Nang may nakita akong nag-iihaw sa gilid ng kalsada ay pinatigil ko siya sa pagda-drive.
"Teka! Itigil mo muna, gusto ko kumain ng inihaw."
Agad niya namang itinigil sa tabi ang sasakyan niya.
Kaya naman mabilis akong nakalabas at agad pumuli ng gusto kong ihawin at mabilis na isinalang iyon.
"Ikaw, gusto mo ba?" Tanong ko kay Sullivan, habang kumakagat sa betamax na pinaihaw ko na mabilis niyang inilingan.
Tsk! Ang arte naman. Ang sarap kaya ng dugo, lalo na kapag isinawsaw sa sukang maanghang na may konting sauce na matamis.
"Ang sarap kaya," sambit ko sabay nguya ulit.
Mabilis tumaas ang kamay niya at agad dumampi iyon sa gilid ng aking labi, marahang pinunasan niya ang natirang sauce roon.
"You're so messy when you eat," sambit niya pa, habang nakatitig sa aking labi.
Damn those eyes! Sa bawat titig niya sa akin ay pakiramdam ko ay nanayo ang aking balahibo sa paraan ng pagtitig niya, na tila ba may pagtingin sa akin.
He was in his thirties, a man whose youthful visage belied his age, while I stood on the cusp of adulthood at eighteen. Despite the years between us, he carried the fresh exuberance of someone in their twenties.
Sa huli ay sumusuko akong makipagtitigan sa kan'ya, bigla ay nakaramdam ako ng hiya, at bigla ang pag-init ng aking pisngi. Mabuti na lamang at madilim sa parteng aming kinatatayuan. Kung hindi, kanina niya pa ako nabuko na namumula dahil lamang sa pagtitig sa kan'ya.
Tumikhim ako, saka tumayo ng tuwid.
"Umm... tara na!" Aya ko sa kan'ya.
Nauna na akong maglakad patungo sa sasakyan niya at agad sumakay. Mabuti na lang at hindi naka-lock ang pintuan ng sasakyan niya, nagawa kong itago ang pisngi ko na hanggang ngayon ay nag-iinit parin.
Hinawakan ko ang aking pisngi at pumikit ng madiin.
My name is Nahara Jimenez. My father's name is Nereus, and my mother's name is Fridah. My father isn't human, so I have my mother's last name. My mother is married to Daddy Itchiro because she couldn't have a church wedding with my father. My father is invisible to everyone except us, his family. He exists only in our eyes, like a ghost moving in and out of our world——the God of water. Ang mahigpit na lihim ng aming pamilya.