EZRA'S POV: PART 2 Damn! Hindi ko rin naman akalain na bigla siyang mapapagod, kahit na isang round pa lang ang ginawa ko sa kan'ya. "Kami nang bahala sa anak mo, Ate Mildred! Sige na, magpahinga ka na din!" Sambit ng Tita ni Chloe. Bumaling siya sa akin at sinenyasan ako na maglakad na, kaya naman sumunod na ako. "Pasensya na, galing pa kasi ako sa trabaho ko. Kaya sobrang napagod ako," marahang sambit ni Chloe nang ihiga ko siya sa kama. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Nagta-trabaho siya? "Saan ka nagta-trabaho?" Tanong ko habang inaayos ang higa niya. "Saleslady, 4 hours akong nakatayo kaya ang sakit ng legs ko, dumagdag pa 'yung ano," natatawa niyang sabi. Ang Tita naman niya ay umiling lang sa pamangkin. "Sabihin mo na kasi sa ina mo na nagta-trabaho ka, para naman hindi

