"DIYAN MO na lang ilagay," utos ko sa lalaking nagbubuhat ng crib na kulay pink. Humalukipkip ako at matamang tinitigan ang paligid ng kwarto. I chuckled when I saw what my child's room look like. Pink ang kulay ng pader nito at may mga wallpaper na paru-paro at bulaklak. Nilingon ko ang lalaking may bitbit na stroller na pink kaya tinanguan ko siya at itinuro ang bandang gilid. "Perfect," I whispered and took my phone out from my pocket. I dialled my Father's number and with a few rings he picked it up. "Where are you?" "Kakatapos lang ng renovation ng room. Papunta na ako diyan," sagot ko at naglakad palabas. With one last glance, I left the room. "Don't forget to bring flowers, Alec." "Of course Pa. Nakabili na ako bago pumunta sa bahay." Matapos sabihin iyon ay binaba ko ang ta

