Clifford’s POV “Dada, ayaw mo na ba sa amin? That’s why you're gonna leave us here?” Umiiyak na tanong sa akin ni Cassandra, ito ang ayaw kong makita sa lahat ang umiyak ang Prinsesa ko. Parang pinukpok ng martilyo ang puso ko dahil sa matinding sakit. Dumating na ang araw na aking kinatatakutan, ang araw ng aming paghihiwalay. Nandito kami ngayon sa tapat ng building nang Condo ni Harvey, pagkatapos ng tatlong araw na bakasyon na puno ng kasiyahan ay matinding kalungkutan naman ang aming haharapin. Dito ko na diniretso ang mag-ina sa bahay ni Harvey. Huminga muna ako ng malalim bago inalis ang bikig na humaharang sa aking lalamunan saka sinimulang magsalita. “No, Princess, remember that I love you with all my life. Mananatili kayong prinsesa ng mommy mo sa puso ko, ngunit kailan

