Harvey’s POV Isinama ko na si Cassandra pabalik sa aking Mansion sa Isabela kung saan dati kaming naninirahan. Matagal na panahon din akong hindi umuwi sa Mansion kong ito dahil sa matinding kalungkutan noong mga panahon na nawala si Cassandra sa akin. Sa totoo lang, nagdulot ng matinding trauma sa akin ang pagkawala ng fiancee ko. Wala akong ibang sinisisi sa mga nangyari kung hindi ang aking sarili, dahil naalala ko noong huling gabi na nagmakaawa ito sa akin ngunit naging kampanti ako at binalewala ang mga pakiusap ng mahal ko. Hindi ko sukat akalain na nagsisimula na palang lumala ang sakit nito noong mga panahon na ‘yon. Nakaleave ako ngayon ng one week para matutukan ko ang pag-aalaga kay Cassandra. “Sweetheart, nandito na tayo, gising na,” pinaliguan ko ng halik ang mukha ni

